NI: Pastor Apollo C. Quiboloy
Mateo 5:44-48: “Datapuwa’t sinasabi ko sa inyo, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang sa inyo’y nagsisiusig.”
- 45-48: “Upang kayo’y maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit: sapagka’t pinasisikat niya ang kaniyang araw sa masasama at sa mabubuti, at nagpapaulan sa mga ganap at sa mga hindi ganap. Sapagka’t kung kayo’y iibig sa nangagsisiibig lamang sa inyo, ano ang ganti na inyong kakamtin? Hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga maniningil ng buwis? At kung ang mga kapatid lamang ninyo ang inyong babatiin, ano ang kalabisan ng inyong ginagawa? Hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga Gentil? Kayo nga’y mangagpakasakdal, na gaya ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal.”
Ibigin ang inyong kaaway, pagpalain ninyo ang sa inyo’y sumusumpa. Kapag sinumpa nila kayo, pagpalain sila, idalangin sila.
Gawan ninyo ng mabuti ang nangapopoot sa inyo. Ipanalangin ninyo ang sa inyo’y lumalait.
Ang mga taong lumalait sa akin, ginagamit ang pangalan ko para sa kanilang sariling kabutihan at sariling kapakinabangan, dinalangin ko na maliliwanagan kayo. At sa mga umuusig sa akin, inibig ko kayo. Ang inyong pangalan ay nasa aking listahan, hindi sa ipapatay ko kayo, ngunit upang idalangin ko kayo.
“Upang kayo’y maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit: sapagka’t pinasisikat niya ang kaniyang araw sa masasama at sa mabubuti, at napapaulan ng mga ganap at sa mga hindi ganap.”
Ito ang mga kaugalian ng isang anak, lalaki at babae ng Ama.
ANG KAILANGAN LAMANG NATIN AY PAG-IBIG
Ang kailangan lamang natin ay pag-ibig. Iyan ang
produkto na wala dito sa mundo ngayon. Ano ang lumalago dito ay ang poot, pait, galit, panibugho, inggit. Iyan ang lumalaganap na apoy ni Satanas sa buong mundo upang pahirapan ang sangkatauhan dahil mayroon lamang siyang maikling panahon. Ngunit narito ako, na pinadala ng Dakilang Ama para sa lahat na naisilang muli sa espiritu sa pagsusunod sa Kalooban ng Ama. Kayo ay pagmamay-ari ng isang espiritu, isang mabuting espiritu na nang gagaling sa Kanya. Ang karaniwang dominador ng ating espiritu ay ang pagsusunod sa Kalooban ng Ama.
Ipagamit sa Ama ang inyong mga talento. Ipagmamay-ari ang inyong sarili sa Kanya. Gumawa ng mabuti, maging mabuti. Kaya tinawag kayong mga espirituwal na sundalo ng kabutihan. Ang sandata ng ating pakikidigma ay hindi karnal ngunit ito ay espirituwal sa pamamagitan ng paggigiba ng mga kuta.
2 Taga-Corinto 10: 4-5: “(Sapagka’t ang mga sandata n gaming pakikilaban ay hindi ukol sa laman, kundi sa harapan ng Dios ay may kapangyarihang gumiba ng mga kuta); Na siyang gumigiba ng mga maling haka, at ng bawa’t bagay na matayog na nagmamataas laban sa karunungan ng Dios, at bumibihag sa lahat ng pagiisip sa pagtalima kay Cristo.”
Ang karunungan ng Panginoon ay ang katotohanan. Anuman ang Kanyang sinabi ay katotohanan. Huwag ninyo itong baguhin. Huwag baguhin ang, “Ibigin ang inyong kapwa,” sa “Ibigin lamang ang inyong sarili, ang inyo lamang mga kasamahan, ang mga tao lamang sa inyo relihiyon, o ang inyo lamang mga kamag-anak.” Hindi nasabi ang salita ng Panginoon niyan.
“Na siyang gumigiba ng mga maling haka, at ng bawa’t bagay na matayog na nagmamataas laban sa karunungan ng Dios, at bumibihag sa lahat ng pagiisip sa pagtalima kay Cristo.”
Sa pagtalima kay Cristo. Pagtalima sa mga salita ng Ama. Maliban lang na ginawa ninyo iyan, hindi ninyo malalaman ang tunay na pag-ibig. Ang mga taong puno ng pagkamuhi, idinalangin ko kayo dahil ang pagkamuhi ay magsusunog sa inyo sa impiyerno. Ang kapaitan ay magsusunog sa inyo sa impiyerno. Ang pag-ibig ay magdadala sa inyo sa langit.
ANO ANG PAG-IBIG
Ano ang kahulugan ng pag-ibig?
2 Juan 1:6: “At ito ang pag-ibig, na tayo’y mangagsilakad ayon sa kaniyang mga utos. Ito ang utos, na tayo’y mangagsilakad sa kaniya, gaya ng inyong narinig nang pasimula.”
Ito ang kahulugan ng Salita ng Panginoon patungkol sa pag-ibig. Hindi ko alam kung ano ang kahulugan sa inyo ang pag-ibig, marahil ito ay “Ang pag-ibig ay binubuo ng maraming makukulay at maniningning na bagay”, para sa inyo. Nasa inyo ‘yan. Hindi ko alam kung ano ang kahulugan ng Webster patungkol sa pag-ibig. Ngunit ito ang espiritwal na kahulugan ng pag-ibig at kinamuhian ng demonyo ang pag-ibig. Dahil hindi siya nagtanim ng pag-ibig, itinanim niya ang kapaitan at kamuhian. Akala ninyo ang demonyo umibig sa inyo? Inibig niyang masira kayo. Ngunit inibig ng Ama na kayo’y maligtas. At ito ang Kanyang pag-ibig.
1 Juan 5:3: “Sapagka’t ito ang pagibig sa Dios, na ating tuparin ang kaniyang mga utos: at ang kaniyang mga utos ay hindi mabibigat.”
Ang kanyang mga kautusan ay magbibigay kalusugan sa inyo sa espiritwal at magliligtas sa inyon kaluluwa. Ito ang mensahe na dinadala ko ngayon sa buong mundo.
Sa pag-ibig sa ating kapwa, hindi natin apihin ang sinuman. Sa mga mayayamang tao, huwag apihin ang mga dukha. Paano kayo hindi nang-api? Ibahagi ang anumang meron kayo na sobra sa inyong pangangailangan. Huwag laging isipin ang kapakinabangan. Ibahagi ito sa iba.
Kaya mahal ko si Bill Gates. Ginawa niya ang “Bill and Melinda Gates Foundation” at binabahagi niya ang kanyang kayamanan. Una, sa mga nangangailangang mga kabataan sa Africa. Ang mga taong kagaya ni Bill Gates, hindi nila ito ginagawa para mapansin. Ginawa nila ito dahil taos-pusong nais nilang makatulong kahit na hindi nila nalalaman pa ang espirituwal na mga bagay. Ngunit dahil kanilang binahagi ang kanilang kayaman, kanilang binahagi ang anumang meron sila, iyan ay katumbas ng pag-ibig sa kapwa.
Anumang meron tayo, paano man tayo makatutulong, sinumang ating maaaring matulungan, tulungan natin kung may tulong man tayong maibigay. Kung wala kayong materyal, pinansyal, o pisikal na tulong na maibigay, tulungan ang inyong kapwa sa pamamagitan ng pagbibigay lakas loob sa kanila. Ang inyong mga salita ay mahalaga –mga salitang nagbibigay lakas loob, mga salita ng dalangin, upang una sa lahat ay makatatanggap sila ng malaking pagpapala, at wala nang mas higit pa na pagpapala ng kaligtasan. Magbigay ng testimonya sa kanila, hikayatin silang lumabas sa kaliwanagan. Hikayatin silang kilalanin ang Hinirang na Anak at pagpalain kayo niyan ng Ama.
WAKAS