NI: Pastor Apollo C. Quiboloy
“IBIGIN ang iyong kapwa kagaya ng pagmamahal sa sarili.” Sino ang iyong kapwa? Ang mga taong malapit sa inyong bahay? Ang mga taong napakalayo sa inyong bahay? Ang mga taong nangangailangan sa inyo?
Ang dukha ay kapwa ninyo. Pakainin ang inyong kapwa na dukha. Pag-ibig ang wala sa mundo. Palagi na lang pagkamuhi ang makikita ninyo. Palagi na lang kayabangan. Pataasan ng ihi. Sabi niya, “Mas mataas ang ihi ko sa iyo.” Nauunawaan ba ninyo ang aking sinabi? Nangangahulugan ito ng pataasan ng pride. Kayong mga matataas ang pride, may planeta para sa inyo. Ang planetang pupuntahan ninyo kapag namatay kayo ang Jupiter. Bakit? Super cyclone mayroon doon. Hangin na hindi basta-basta ang nandoon. Kayong mga malakas ang hangin, cyclonic ang tawag ko sa inyo hindi lunatic. Kapag nakakakita kayo ng mga taong mahangin, cyclonic iyan.
ANG KAPANGYARIHAN NG ANAK
Dito sa mundo, hindi puwedeng hihigitan ang Anak. Kapag may manghihigit sa akin, si Lucifer na ‘yan pagdating sa espirituwal. Kapag may nais manghigit sa akin, nais na maghari pa sa akin, si Satanas na ‘yan. Bakit? Kayong lahat kapag namatay kayo, ako ang haharapin ninyo para sa inyong kaligtasan. Kaya kung mayroon mang mahangin dito, ako sana ‘yon. Ako ang dapat may mataas na hangin, pero nakita ninyo, ako ay inusig, minasama. Minasama ako ng mga tao.
Mateo 5:10: “Mapapalad ang mga pinaguusig dahil sa katuwiran: sapagka’t kanila ang kaharian ng langit.”
“Mapapalad ang mga pinag-uusig dahil sa katuwiran: sapagka’t kanila ang kaharian ng langit. Tingnan ang kapangyarihan ng Ama na binigay sa akin nang ginawa Niya akong Kaniyang Hinirang na Anak. May kapangyarihan ako sa lahat ng laman. Kapag kayo ay namatay o kayo ay buhay, mayroon akong kapangyarihang maghatol sa inyo. Mayroon akong kapangyarihang iligtas kayo at mayroon akong kapangyarihang wasakin ang mga gawain ni Satanas na si Lucifer ang demonyo sa inyong buhay. Mayroon akong kapangyarihan na kayo’y lumapit at magsisi. Iyan ang kapangyarihan ng kaligtasan. Ngunit kung ‘di ninyo ‘yan gawin, ang kapangyarihan ng paghatol sa huling mga araw ay pareho lang. Haharap kayo sa akin. Kayong Bansang Hentil, makikita ninyo, aakalain ninyo na masusumpungan ninyo ang mukha ni Jesus Christ. Ako ang Kanyang mukha. Ang mga salitang pinangaral ko dito ay pareho sa mga salitang mapapakinggan ninyo.
Mateo 7:21: “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.”
“Ngunit ako ay isang relihoyoso, Panginoon.”
Meron kang ibang planeta. Doon ka pupunta. Hindi ko kayo ipadadala kaagad sa impiyerno.
ANG KAHARIAN NG LANGIT AY PINAGKATIWALA SA ANAK
Mateo 5: 10-12: “Mapapalad ang mga pinaguusig dahil sa katuwiran: sapagka’t kanila ang kaharian ng langit.”
Kaya kung bakit ang Kaharian ng Langit ay pag-aari ko. Ito ay pinagkatiwala sa akin.
B11: “Mapapalad kayo pagka kayo’y inaalimura, at kayo’y pinaguusig, at kayo’y pinagwiwikaan ng sarisaring masama na pawang kasinungalingan, dahil sa akin.”
Ano ang bagong akusasyon ni Satanas na nilikha laban sa akin. Binibenta ko raw ang bato ng mga bata. Lumikha ng mas malikhaing akusasyon ang mga ahente ni Satanas na si Lucifer ang demonyo dahil ito ay ‘di kapani-paniwala. Sinumang lumikha niyan, ‘yang taong nag-akusa sa akin na nagbebenta raw ako ng mga bato ng mga bata, bobo ang demonyong ‘yan. Alam ninyo ang demonyong gumawa ng akusasyon na nagbebenta ako ng mga bato ng mga bata ay napakatangang demonyo sa mundo. Ito ay katangahan. Lumikha kayo ng mas malikahaing akusasyon na ang mga tao ay maniniwala sa inyo. Namimigay ako ng mga bato, hindi ako nagbebenta. Kung mayroon akong limang bato, ibibigay ko itong lahat. Mapagbigay ako, hindi ako nangunguha. Kaya ‘yang inutusan ni Lucifer na mag-imbento ng akusasyon, ‘yan ang pinakabobong demonyo. Siguro natutulog sa bawat pagsasanay ni Lucifer sa kanila. Marami akong nakasalubong na mga demonyo, ito ang pinakabobo.
Anong gagawin ko kapag ginawa nila ‘yan sa akin? Mangagalak at mangagsayang totoo. Bakit?
PINAKADAKILANG GANTI
B12: “Mangagalak kayo, at mangagsayang totoo: sapagka’t malaki ang ganti sa inyo sa langit: sapagka’t gayon din ang kanilang pagkausig sa mga propeta na nangauna sa inyo.”
Sapagka’t malaki ang ganti sa inyo sa langit. Ano ang pinakamalaking ganti, ang mailagay sa posisyon ng pagiging Hinirang na Anak ng Panginoon. Walang maihahalintulad niyan. Alam ba ninyong gaano kadakila ang posisyon? Ang lahat ng mga tao ay haharap sa akin. Hindi ninyo masasabing “Kaibigan tayo ni Pastor. ‘Di ba taga-Davao tayong dalawa? Magkaibigan yata tayo.” “Taga-Manila ka, taga-Visayas ka?” Hindi ako magtatanong ng ganyan. Pagdating sa paghuhukom ang pamantayan ay pareho lang. Ginawa ba ninyo ang Kalooban ng Ama? Sinunod ba ninyo ang Kalooban ng Ama? Anuman ang ginawa ninyo sa Anak, ay ginawa ninyo sa Ama. Anuman ang ginawa ninyo sa akin, ginawa ninyo sa Ama. Kaya anong sasabihin ko, “Ako ay nagutom, ako ay nauhaw. Hindi ninyo ako binigyan ng mainom, hindi ninyo ako pinakain. Nag-iisa ako hindi ninyo ako binisita. Ako ay isang estranghero hindi ninyo ako pinatuloy. Sa katunayan, pinalayas niyo pa ako palayo sa lungsod.”
“Kailan?”
“Kilala ninyo ako, kilala ninyo ang Ama. Anuman ang ginawa ninyo sa aking Anak, ay ginawa ninyo sa akin. Tumungo kayo sa kaliwa kayong mga kambing para sa walang hanggang parusa.” Mga mamamayan ng Kaharian, kayong umibig sa akin. Mga nasa telebisyon, televiewers, covenant partners, kayong umibig sa Anak. Kung inibig ninyo ang Anak, inibig ninyo ang Ama. Isang araw ay tatayo kayo sa harapan Niya. “Kilala mo ba ang Anak?”
“Opo, Ama.”
“Tinulungan mo ba siya?”
“Opo, Ama.”
“Tumalima ka ba sa kanya?”
“Opo, Ama.”
“Ang Kaharian ay bukas para sa iyo, pumasok ka.”
(itutuloy…)