Ni: Ma. Leriecka Endico
MADALAS bang magluha ang iyong mata? Ito ba ay madalas nangangati at namumula na tumatagal ng ilang sandali? Huwag ipagpasa-walang bahala ang mga bagay na hindi karaniwang nangyayari sa mata dahil ito ay maaaring magdulot ng mas malalang impeksyon.
Lingid sa ating kaalaman ang sakit sa mata na Conjunctivitis o madalas na tinatawag na “pink eye”. Ito ay kapag naiirita ang Conjunctiva, isang manipis na bahagi ng mata na bumabalot sa puting bahagi ng mata o ang Cornea. Bagaman maliit na problema lamang ito sa mata, ngunit kapag ito ay hindi naagapan, maaari itong lumala.
Ilan sa mga dahilan ng pagkakaroon ng sakit na ito ay ang allergy, chlorine, make-up, usok at iba pang produkto o bacteria na maaaring matamaan ang mata. Samantala, maaari rin magdulot ng Conjunctivitis ang mga Sexually Transmitted Disease tulad ng Chlamydia at Gonorrhea.
Ang mga sintomas ng sakit na ito ay ang madalas na pamumula ng mata, pamamaga ng Conjunctiva, labis na pagluluha, pagkati at paghapdi ng mata. Kung nakakaranas ng mga ganitong sintomas, maiging gawin ang mga sumusunod:
- Huwag hawakan ang mata ng maduming kamay.
- Huwag gumamit ng pamunas ng iba.
- Huwag gumamit ng mga make-up sa mata, lalo ang
- Bumili ng Antihistamine sa botika at patakan ang mata.
- Sumangguni sa doktor kung matagal at labis na ang mga sintomas.
Tandaan na ang wastong pag-alaga sa ating mga mata ay ang sasalamin ng ating malinaw na buhay.