PINAS

Asia Media Summit, gaganapin sa Pilipinas—PCOO

Pinas News

Naghahanda na ang Presidential Communications Office, para sa gaganaping Asia Media Summit sa taong 2019.

Ito ang ibinahagi ni Communications Secretary Martin Andanar sa isang media interview.

Ito ang unang pagkakataon na gaganapin sa Pilipinas ang Asia Media Summit na magiging kapaki-pakinabang sa mga mamamahayag sa bansa sa larangan ng pamamahayag.

Dagdag pa ni Andanar, na dapat samantalahin ito ng mga brodkaster dahil ang pagtitipon na ito ang siyang patunay na buhay na buhay ang broadcasting industry ng bansa.

Ibinahagi rin ng kalihim na patuloy ang isinasagawang upgrading sa mga government TV and radio stations sa iba’t ibang bahagi ng bansa dahil ito aniya ang tamang paraan para ibalik sa publiko ang buwis na ibinabayad nito sa pamahalaan.