PINAS

Bagyong Quedan, nakapasok na sa PAR – PAGASA

Pinas News

NAKAPASOK na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Quedan.

Huling namataan ang sentro ng bagyo higit 1,300 kilometro silangan ng Casiguran, Aurora.

Ayon sa PAGASA, ang Bagyong Quedan ang ika-17 bagyo na pumasok sa bansa para sa taong 2017.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 80 kilometro kada oras at may pagbugsong 95 kilometro bawat oras.

Kumikilos ang bagyo nang pahilagang kanluran sa bilis na 21 kilometro kada oras.

Samantala, nakakaranas naman ng mga pag-ulan ang bahagi ng Palawan at Mindanao dulot ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ).