PINAS

Batang babae mayroong ‘Uncombable Hair Syndrome’

Ni: Ma. Leriecka Endico

Imbes na pababa, tumutubo sa hindi pangkaraniwang direksyon ang buhok ng 7 anyos na batang si Shilah Yin mula Australia. Si Shilah ay isa lamang sa 100 tao sa mundo na mayroong kondisyon na “Uncombable hair syndrome”. Ito ay isang kondisyon ng buhok na mahirap suklayin.

Ipinanganak na may normal na buhok si Shilah ngunit umusbong ang hindi pangkaraniwang kondisyon niya nang may mapansing kakaiba ang kanyang magulang noong siya ay 3 buwang gulang pa lamang. Katulad ng inaasahan, nakakuha ito ng atensyon mula sa ibang tao at ibang bata na tulad niya at nagdulot sa kaniya ng pagkabalisa.

Ngunit natutunang yakapin ni Shilah ang kondisyon matapos maintindihan na siya ay espesyal.