PINAS

Concert ni David Archuleta, inaabangan na ng fans

Pinas News

All set na ang Concert nang American singer na si David Archuleta para sa Filipino fans.

Gaganapin ito alas otso ng gabi Oktobre 20, 2017 sa Kia Theater sa Quezon City.

Kasabay ng concert, ire-release din ni David ang kanyang bagong album na “Postcards in the Sky”.

Sinabi ng runner-up sa 7th season ng American Idol na marami siyang kantang isinulat na tungkol sa mental health awareness.

Ilan sa hit songs ng American singer ay ang “Crush” at “A Little Too Not Over You.”