PINAS

Dalawang lalaking nagsusugal, nasamsaman ng shabu sa Tondo

Pinas News

Kalaboso ang 2 lalaking nagsusugal matapos mahulihan ng illegal na droga sa Pilar St. malapit sa riles ng PNR sa Tondo, Maynila.

Nakilala ang mga suspek na sina Angelo Aluarte, 45 taong gulang; at Elvin Upano, 23 taong gulang.

Nabatid na nagsasagawa ng Anti-Criminality Operation ang mga kagawad ng Abad Santos Police Station – Drug Enforcement Team nang maaktuhan ang mga suspek habang nagsusugal.

Nakumpiska sa operasyon ang 3 pirasong one-peso coin at P300.00.

Maliban dito, nang kapkapan ang mga suspek ay nakuha sa kanila ang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Mahaharap ang mga suspek sa mga kasong illegal gambling at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.