PINAS

Eugene Domingo, May Forever na

Ni: Wally Peralta

BUSY man sa kanyang dalawang show sa Kapuso Network ang “Celebrity Bluff” at “Dear Uge”, host na si Eugene Domingo ay hindi pa rin ito nawawalan ng oras para sa pag-ibig na natagpuan niya sa katauhan ng kanyang Italian boyfriend na si Danilo Botonni.

Pagkatapos ng kasalang Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap, susunod na ikakasal sina Max Collins at Pancho Magno, Anne Curtis at Erwan Heussaff tapos sina Aiai Delas Alas at Gerald Sibayan. At hindi pa man nagaganap ang naturang kasalan, humahabol din sina Rodjun Cruz at Dianne Medina, Rachelle Ann Go at Martin Spies. At posibleng susunod na si Eugene dahil inalok na raw ito ng kasal ng kanyang boyfriend.

May oras para sa isa’t isa

Sinabi ni Eugene na pinanindigan lang nila ng kanyang boyfriend ang pangako nila na hindi sila mawawalan ng oras para sa isa’t isa. Kaya nilalaanan nila ng panahon para magkasama sila dito man sa Pilipinas o sa Italy.

“Napagusapan namin na magsama kami parati,” ani Eugene

“Yung time together inii-schedule ‘yan, and I’m very thankful sa GMA because they understand my situation now. Sobrang bait, Ms. LGR (Lilybeth G. Rasonable) thank you, Ms. Enri, Ms. Mildred, sa lahat ng bumubuo ng production ng ‘Celebrity Bluff’ and ‘Dear Uge’, they’re very understanding,” paliwanag niya.

Sigurado sa boyfriend

Isa sa mga ginagawa ng actress para ihanda ang sarili sa pagpapakasal ay ang madalas niyang pagwo-work-out na kitang-kita sa kanyang mga video post sa kanyang social media account.

Ito ang dahilan kung bakit fit and fresh ang aura ni Eugene tuwing lumalabas siya sa telebisyon.

Pero ang higit na nag-uugnay sa palaging fit ni Eugene ay ang paghahanda na raw nito sa kanyang pagpapakasal.

Hindi naman ito inamin ng actress.

“Wala, wala pa, ha ha ha,” ang masayang sagot ni Eugene.

“Pero kung sakali man ay si Danilo na talaga ang masasabi kong gusto kong maging ‘forever’”

“Lahat naman ‘yan nasa plano ng Diyos because we all wish na you know, ‘yung blessing talaga ng lahat, ng Panginoon. Gusto ko naman talaga ng blessing, but as of now, I’m just very thankful to God kasi parang papunta na ‘to sa milagro. Hindi ko talaga inakala, pero kung nangyari sa akin, mangyayari din sa inyo in God’s time.” 

Hindi pa napagusapan ang kasal

Hindi pa umano nila napag-usapan ang pagpapakasal bagamat aminado naman ang kanyang boyfriend na wedding material si Eugene dahil sa sobrang malambing, maasikaso at maalaga ito.

At wala rin siyang balak na magparamdam na gusto na niyang magpakasal dahil naniniwala siyang darating ito sa tamang panahon.

“Wala, walang hingian ng kung anu-ano. We’re just enjoying our time.”

“Hindi naman na ako fifteen years old or seventeen years old.We’re just enjoying our time together, that’s the most important thing.”

“Ano lang tayo, kasi sanay na sanay tayo na kapag meron, engaged, marriage. Pero sa akin kasi, sa akin lang yun, ha, pasalamat na ako dumating pa yun, e. Di ba, pasalamat na ako? This is the best gift ever,” ani Eugene.