PINAS

Gen. Guerrero, itinalaga bilang bagong hepe ng AFP

Pinas News

NAKAPILI na si Pangulong Rodrigo Duterte na itatalaga bilang bagong Armed Forces of the Philippines chief-of-staff sa katauhan ni Eastern Mindanao Command Chief Lt. Gen. Leonardo Guerrero.

Si Guerrero na miyembro ng Philippine Military Academy Class 1984 ang papalit sa puwesto ni Gen. Eduardo Año na magreretiro na sa serbisyo.

Una nang naipangako ni Pangulong Duterte kay Guerrero ang puwesto noong Hunyo 2, kung saan maaga sanang magreretiro si Año, subalit naantala ito nang pumutok ang giyera sa Marawi City.

Isasagawa ang turn-over ceremony ngayong araw kung saan panauhin mismo si Pangulong Duterte.