PINAS

Gilas Pilipinas naghahanda na sa FIBA World Cup Asian Qualifiers

Pinas News

UUMPISAHAN na ng Gilas Pilipinas ang kampanya sa 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Makakalaban ng Gilas ang Japan sa Nobyembre 24 sa Olympic Park General Sports Ground Gymnasium sa Komazawa, Tokyo Japan.

Wala pang buong line-up na ipinapalabas ang Gilas sa mga maglalaro at kung sino ang kukuning naturalized players.

Matapos ang laro sa Japan ay makakaharap naman sa Pilipinas ng Gilas ang Chinese-Taipei sa Nobyembre 27, 2017.

Ang mga susunod na window periods ay sa Pebrero, Hunyo, Hulyo at Setyembre, 2018.