PINAS

Gintong medalya ng bansa sa 2020 Olympics Games

Pinas News

TIWALA si Philippine Olympic Committee (POC) President Jose “Peping” Cojuangco Jr. na mananalo ang mga atletang Pinoy ng medalya sa Olimpiada.

Matatandaang, silver medal ang naiuwi ng pambato ng ‘Pinas sa weightlifting noong 2016 Rio de Janeiro Games na si Hidilyn Diaz.

Ayon kay Cojuangco, tiwala ito ng makapag-uuwi ang mga atleta ng bansa ng 5 gintong medalya sa 2020 Tokyo Games. Dagdag pa nito, kailangan daw ng bansa na magtayo ng mga proper training facilities na gagamitin ng mga manlalaro at may masterplan para sa pagtatayo ng isang bagong sports facility sa Clark Green City sa Tarlac.