Pinas News
UMABOT na sa labinsiyam ang bilang ng mga nasawi bunsod ng Hepatitis Outbreak sa California, USA.
Naitala ang death toll, isang linggo lamang matapos ideklara ng Gobernador ng California ang State of Emergency sa lugar dahil sa liver disease.
Mahigit limandaan katao naman ang minomonitor parin sa mga Ospital bunsod ng viral disease.
Ito na ang second-largest outbreak ng hepatitis sa nakalipas na dalawang dekada.
bukod sa pagtiyak na malinis ang inuming tubig ay naglagay din ng hand-washing stations at dinisinfect ang mga apektadong lugar ng outbreak para mapigilan ang pagkalat ng sakit.