PINAS

Intel ID, ginamit ng Al-Shabab sa pag-atake sa Somali

Pinas News

GUMAMIT ng intelligence service identification cards ang mga militante na nasa likod ng pag-atake sa Mogadishu Hotel sa Somali.

Ayon sa Somali Authorities, nakasuot ng mga ID at naka-uniporme ng National Intelligence And Security Agency (NISA) ang limang miyembro ng Islamic group na Al-Shabab nang pumasok sa isang hotel sa Mogadishu bago sumabog ang truck bomb sa entrance ng gusali.

Dahil may access ang mga militante at nakasaad sa kanilang mga ID ang pangalan, ranggo at larawan ay hindi sila sinita ng mga pulis sa pagpasok sa hotel.

Mahigit dalawampu katao ang patay habang halos tatlumpung iba pa ang sugatan sa bomb attack.

Inako naman ng Al-Shabab ang pag-atake.