Ni: Ana Paula A. Canua
Ngayon na nalalapit na ang pasko at new year kung saan kabi-kabila ang mga kainan, inuman at puyatan, ‘di maiiwasan na maging dahilan ito sa pagtaas ng altapresyon. Kaya bata man o matanda, nasa lahi man o wala mahalaga na siguraduhin na ‘di mapapabayaan ang kalusugan habang nagkakasiyahan. Kaya naman ito ang mga pagkain na pwedeng idagdag sa handaan.
- Mangga- mayaman sa fiber at beta-carotene na nakakababa ng pressure sa dugo.
- Salmon-Mayaman sa omega-3 fatty acids na nakakatulong sa maayos na daloy ng dugo at mapabababa pa ang tsanya ng heart disease.
- Mansanas- totoo na one apple a day keeps the doctor away, dahil sa taglay nitong fiber at quercetin isang antihypertensive agent.
- Kamatis-mayaman sa lycopene,gayunpaman hindi nangangahulugan na mabuti ang tomato sauce at ketchup dahil mataas naman ang salt at sugar content nito.
- Pakwan-isama sa labindalawang pampaswerte sa bagong taon, tiyak magiging mapalad ka sa iyong kalusugan. Mayaman sa lycopene at vitamin c.
- Madadahon na gulay- may taglay ito na potassium, isang mahalagang sangkap para ma-flush ang sodium sa kidney, ito ang dahilan kaya napapanatiling balance ang pressure ng dugo.
Iwasang sumobra sa mga pagkaing
- Maalat
- Alcohol
- Matatamis
- Kape
- Canned meat
- Canned products-dahil mataas ang taglay nitong sodium at sugar content