• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Wednesday - December 04, 2019

PINAS

Ang Kahalagahan ng Kaluluwa ng Tao (Ikaapat na Bahagi)

Sonspeak

Recent News:

  • Vaping dapat ba talagang ipahinto sa bansa?
  • Siga at sanggano
  • DOLE, ibinida ang mga accomplishment
  • Substitute Bill para sa Department of OFW, lusot na sa committee level sa Kamara
  • Karagdagang pondo para sa Voucher Program ng Senior High School, isinusulong
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Internasyonal
  • Probinsyal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • Buhay
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • OFW
  • Opinyon
  • Lathalain
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

Kailangan ng aksiyon sa sektor ng enerhiya

October 25, 2017 by Pinas News


Ni: Louie C. Montemar

AN ounce of prevention is better than a pound of cure, wika nga sa Ingles.  Kailangang maging maagap tayo sa pagharap sa mga banta sa kalagayan ng ating bansa. Ito ang isang bagay na dapat isipin ngayon ng ating mga pinuno sa sektor ng enerhiya.

Dahil sa lumalaking ekonomiya ng bansa at lalong umiinit na panahon, higit pang lumalaki ang pagkonsumo natin sa kuryente.  Malaking hamon ngayon sa pamahalaan ang mapanatili ang ating kapasidad sa produksyon ng elektrisidad.

Nakababahala ang nabalitaang may anim na beses na palang nagka-yellow alert sa sektor ng enerhiya sa bansa nitong buwan lamang ng Setyembre.  Ibig sabihin, malapit nang kapusin ang ating suplay ng kuryente.  Mula nang magsimula ang taon, may tatlong beses naman na nagkaroon ng red alert at nagkaroon ng brown-out dahil sa kakulangan ng suplay ng kuryente.

Ito ay ayon sa pahayag ng pinagsanib na pulong ng Komite ng Konggreso sa Enerhiya at Good Government and Public Accountability.

Maganda namang pansinin ang tila patuloy na paglaki ng ating ekonomiya, subalit paano natin mapapabilis pa at mapalaki ang produksiyon sa ating bansa kung hindi matutugunan ang batayang pangangailangan sa enerhiya?

Dapat pa ngang pansinin na napakamahal ang presyo ng ating kuryente o enerhiya kung ikukumpara ito sa ibang bansa.  Isa ang Pilipinas sa may pinakamahal na elekrisidad sa bahaging ito ng Asya.  Sa katotohanan, isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi naeenganyo ang ilang mamumuhunan na magnegosyo sa Pilipinas.

Sa harap ng hamong ito, kailangan nating manawagan sa Energy Regulatory Commission (ERC) upang maging higit pang maagap at masinop sa gawaing nito.  Ayon sa Konggreso, may mga nakabinbing aplikasyon para sa Power Supply Agreements (PSAs) ang Manila Electric Company.  May di bababa sa pitong PSAs na ang dapat desisyunan ng ERC.

Ibig sabihin, nakaumang na ang mga proyekto para sana sa produksiyon ng dagdag na enerhiya subalit naiipit ang mga ito sa proseso ng pag-aaral at pag-apruba ng ERC.

Gaya ng nasabi na, kailangang maging maagap tayo sa pagharap sa mga banta sa kalagayan ng ating bansa.  Kung hindi, mas lalo pang lalala ang sitwasyon.  Kapag dumalas pa at lumawak ang brownouts, masama ang epekto nito sa produksiyon, kalusugan, at pangkalahatang lagay ng ating mga mamamayan. Baka gawin pang dahilan ang nakaambang kakapusan sa kuryente sa pagtataas ng presyo ng mga bilihan.

Mabilis na aksiyon ng ERC ang kailangan sa kagyat.  Sa pangmatagalan, kailangan nating payabungin pa ang programang pang-enerhiya ng bansa bilang mahalagang tuntungan ng sustenidong kaunlaran.

Related posts:

  • Kailangan ng aksiyon sa sektor ng enerhiya
  • Pagsibak sa mga matataas na opisyal ng gobyerno, katiwalian ang sanhi
  • Nakaambang Dagdag-Buwis
  • Terorismo: Pumipilay sa industriya ng turismo
  • Mindanao, may 100 bilyon infra projects

Pambansa Slider Ticker Energy Regulatory Commission ERC Louie C. Montemar Power Supply Agreements PSAs

Reader Interactions

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2019 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.