Ni: Ma. Leriecka Endico
Maaari mo ng kontrolin ang nais mong temperatura kahit saan ka magpunta gamit ang kauna-unahang relo na mayroong air-conditioning. Gamit ang teknolohiya ng “ClimaCon”, ang relong ito ay nagbibigay ng madaling solusyon kapag tayo ay lubos na naiinitan o nalalamigan. “Humans can change the signal that our nervous system sends to the brain by using Aircon Watch to generate pulses of heat or cold”, anila.
“This tiny device will fit on the inner wrist in area where the nerves are closer to the skin so as to allow for maximum transfer of temperature”, dagdag pa nila.
Bagaman hindi pa nailulunsad sa merkado, mataas ang posibilidad na pumatok ito lalo’t hindi maganda ang pagbabago-bago ng klima ngayon.