Ni: Jimmy Mendoza
NASUPRESA ang mga tindera ng mga karne ng manok at baboy sa Balintawak Public Market sa EDSA, Quezon City matapos salakayin ng mga taga National Meat Inspection Service (NMIS) ng lungsod.
Ayon sa team leader na si NMIS Dr. Rolando Marquez, aabot sa 200 kilo ng mishandled frozen meat ng karne ng manok at baboy ang kanilang nakumpiska sa nasabing pamilihan.
Dagdag pa ni Marquez, ang nakupiskang mga naturang karne ay kontaminado umano ng mga nahaluang iba’t ibang mga mikrobyo at ang iba naman ay may mga uod.
Sinabi pa ni Marquez, ang sinumang makabibili ng naturang karne ay posibleng tamaan ng pananakit at pagkulo ng tiyan at pagsusuka.