PINAS

LTFRB, may babala sa mga motorista kaugnay sa ‘carpooling’

Pinas News

NAGBABALA  ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga motorista na nagbabalak pagkakitaan ang carpooling sa EDSA.

Ginawa ni LTFRB Spokesperson Aileen Lizada, ang pahayag matapos ianunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng carpooling sa EDSA.

Sinabi ni Lizada na kapag naningil ng pamasahe ang nagka-carpooling maaari silang hulihin dahil sa pangongolorum.

Kung nais daw ng motorista na mamasada, hinikayat ni Lizada ang mga ito na pumasok na lamang sa ride sharing tulad ng Uber at Grab.