Ni: Joyce P. Condat
Maraming dahilan kung bakit tayo nagpupuyat. Sa mga estudyante lalo na sa kolehiyo, ang madalas na dahilan ng pagpupuyat ay ang paggawa ng requirements at pagre-review. Trabaho naman ang ikinapupuyat ng mga nakatatanda, lalo na ang mga call center agents sa graveyard shift.
Ang hindi pagtulog sa loob ng 7 hanggang 9 na oras ay may maraming masamang epekto sa ating katawan. Hindi lang eyebags ang nakukuha natin sa pagpupuyat. Ang sleep deprivation ay maaaring maging sanhi ng pagkasira ng ating kalusugan.
Ito ang ilan sa mga puwede mong maranasan kung ikaw ay madalas magpuyat:
- Mahihirapan kang mag- Dahil wala ring pahinga ang iyong utak, hindi ito makapagtatrabaho ng maayos. Dahil dito, hindi ka makapagpo-focus sa iyong ginagawa. Nade-delay din ang trabaho nitong maghatid ng signals sa ating katawan kaya’t bumababa ang ating coordination skills.
- Mapapadalas ang iyong mood swings. “When people get sleep-deprived, they don’t show positive emotion in their faces“, ani David Genes, isang propesor ng Psychology at direktor ng Unit for Experimental Psychiatry sa University of Pennsylvania, sa com. Dagdag pa niya, hirap tumanggap ng pagkabigo ang mga taong sleep-deprived.
- Malaki ang tyansa mong mag-microsleep. Ang microsleep ay isang estado kung saan nakakatulog ang isang tao nang hindi niya namamalayan. Maaari mong maranasan ito kahit nakadilat ka at tumatagal ito ng 30 segundo. Delikado ito lalo na kung ikaw ay nagmamaneho.
- Mapapadalas ang iyong pagkakasakit. Pinapahina ng kakulangan sa tulog ang ating immune system na lumalaban sa mga virus tulad ng ubo, sipon, at lagnat. Dahil dito, mataas ang posibilidad na magkasakit agad.
Yan ang ilan lamang sa mga epekto ng sleep deprivation sa ating katawan. Pilitin nating matulog ng 8 hanggang 9 na oras gabi-gabi upang maiwasan ang mga nabanggit.