PINAS

Mga bughaw na aso, nakita sa India

Ni: Ma. Leriecka Endico

TILA nabuhay sa totoong mundo ang karakter na aso sa ‘blues clues’ nang makita ang nakakagulat na mga asong bughaw sa India.  Ayon sa ulat, ito ay dahil sa hindi pa naagapang mga dumi sa Kasadi River na malapit sa Navi Mumbai’s Taloja, isang industriyal na lugar, kung saan namataan ang mga asong bughaw.

“It was shocking to see how the dog’s white fur had turned completely blue. We have spotted almost five such dogs here and have asked the pollution control board to act against such industries.” sabi ni Arati Chauhan, nagpapatakbo ng Navi Mumbai Animal Protection Cell.

Nakapasok umano ang mga aso sa lugar upang maghanap ng pagkain at doon nakuha ang kakaibang kulay na bughaw.

“We have given the company seven days to clear the pollutants from the site.  If it is not removed then we will issue a notice,” wika ni Jayavant Hajare, sub-regional officer ng MPCB Navi Mumbai.