Ni: Ma. Leriecka Endico
Ang pagpili ng salamin sa mata ay nararapat na aayon sa hugis ng mukha at kulay ng balat. Ito ay para maiwasan ang pagbili ng bagong salamin kapag ito ay hindi bumagay sa atin. Narito ang ilan sa mga dapat tandaan sa pagpili ng tamang salamin ayon sa The Vision Council at Harvey Moscot:
Hugis ng mukha
Hugis Puso – Mga salaming walang rim ang bagay sa mga ganitong mukha. “Rimless styles are also good, because they keep the face from looking too top-heavy,” ayon kay Harvey Moscot, may-ari ng Moscot Optical.
Oblong – Upang balansehin ang hugis ng mukha, iwasan ang mga salamin na masyadong malapad na maaaring makadagdag sa lapad ng mukha. Ito ay makatutulong din na mapaliit ang ilong.
Pariskuat – Bagay ang mga pabilog na salamin sa hugis na ito upang magkaroon ng haba ang mukha.
Bilog – Parihaba naman ang bagay sa mga bilugang mukha. “Angular, rectangular frames help elongate the face and a contrasting bridge makes the eyes look farther apart,” ayon kay Moscot.