PINAS

Mga pasahero sa NAIA-Terminal 3, dagsa na

Pinas News

DAGSA na ang mga pasahero sa mga terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), sa isa na rito sa Terminal 3 kasabay ito sa paggunita ng Undas.

Dahil dito inaasahang mag-iinspeksyon ngayong araw si Manila International Airport Authority (MIAA) General Maneger Ed Monreal sa lahat ng mga pangunahing paliparan sa NAIA.

Mauuna siya sa Terminal 3, kasunod sa Terminal 42 at huli ang Terminal 1.

Ito ay upang masiguro ang kaligtasan at paigtingin ang pagbabantay para na rin sa kaligtasan ng mga pasahero sa mga paliparan.

Pero siniguro naman ng pamunaan ng paliparan na hindi ma-aabala ang mga pasahero kahit na mayroong inspeksyon sa kanilang mga bagahe.