Ni: Ma. Leriecka Endico
Japan – Isang kilalang grupo ng mga motorista ang Bosozuku sa Japan. Sila ay sikat sa paggawa ng mga delikado at ilegal na aktibidad katulad ng karera sa kalsada, pagpapatakbo ng mabilis, hindi pagsunod sa batas trapiko at iba pa. Ngunit matapos matagumpay na mahuli ng mga pulis noong 2000, gumawa sila ng panibagong pampalipas oras ng hindi nagkokompromiso sa batas.
Sinimulan nila ang “Bosozoku sound battles” kung saan ang mga kalahok ay magkokompitensya sa paggawa ng magandang musika gamit ang pagmaniubra ng manubela ng kanilang mga motor.
Naging patok ito at kasalukuyang may mga videos na rin sa social media upang mangmulat sa panibagong paraan ng paggawa ng tunog o musika.