PINAS

MRT-3, muling nagkaaberya ngayong araw

Pinas News

MULING nakaranas ng aberya ang operasyon ng Metro Rail Transit (MRT-3) kanina.

Sa abiso ng pamunuan ng MRT-3, bandang 8:28 ng umaga nang pinababa ang mga pasahero sa Ayala Avenue Station Northbound dahil sa problemang teknikal.

Pinasakay na lamang sa kasunod na tren ang mga apektadong pasahero habang agad na dinala sa mrt deport ang nagkaaberyang tren.