PINAS

Natatanging bulag na ‘surfer’ sa buong mundo

Ni: Ma. Leriecka Endico

IPINANGANAK man na may glaucoma, hindi ito naging hadlang para sa 24-anyos na si Derek Rabelo mula Hawaii, upang tuparin ang pangarap ng kanyang ama na siya ay maging isang mahusay na ‘surfer’.

Tinuruan siya ng kaniyang ama ng basics ng surfing at hinikayat siyang mag-ensayo palagi.  Sumali si Derek sa Praia do Morro Surf School at nag-sanay sa ilalim ng kaniyang coach ngayon na si Fabio Maru.

Hindi man lumalaban sa kompetisyon, maraming naantig sa kanyang determinasyon.  Dahil dito, nakakatanggap siya ng mga benepisyo katulad ng sponsorship at pagpunta sa ibang lugar nang libre upang pukawin ang iba sa kanyang istorya.

“I listen to the ocean and feel it.  And every single part of a wave makes different noises.  So, I can decide which side of the wave I should surf towards.  If you have a dream, you have to believe in yourself.  Otherwise, you cannot do it.  I believe all of us have strong senses given by God.  Use them with passion and perseverance.”