Ni: Ma. Leriecka Endico
Isa sa mga bisyo ng karamihan na mahirap bitawan ay ang paninigarilyo. Batid man natin ang masasamang epekto nito, marami pa rin ang patuloy na gumagamit. Ayon sa pinakahuling tala ng World Health Organization (WHO) noong Mayo nitong taon, 7 milyon katao kada taon ang namamatay dahil sa Tobacco. Paano nga ba maiiwasan ito?
Alam na natin na ang pag-eehersisyo ay nagdudulot ng maganda sa ating katawan, na mayroong malaking benepisyo sa gawain natin sa buhay, isa na rito ay ang pag-iwas sa paninigarilyo. Kaugnay nito ay ang mga sumusunod na iba pang benepisyo:
Nakababawas ng gutom – Salungat sa ating kaalaman, ayon sa American Physiology Society, nakatutulong itong mabawasan ang produksyon ng ghrelin, isang uri ng hormone na nagpapataas ng gana sa pagkain.
“Of course, after a workout, you’re going to need to take on food to replace lost energy. Further studies show you’re more likely to choose your food wisely in such a circumstance, than if you’ve been sedentary all day,” ayon sa ulat ng Telegraph.
Nililimitahan ang pagtaas ng timbang – Popular na paniniwala natin na ang paninigarilyo ay nakababawas ng timbang. Ngunit, mas mainam na kumain at mag-ehersisyo dahil sa malusog at natural na proseso ng katawan sa pagtunaw ng mga taba nito.
Nakababawas ng stress – Maraming tao ang naninigarilyo upang mabawasan ang stress. Ngunit, salungat ng paniniwalang ito ay ang katotohanang mas nakatataas ng pagiging stress ito. Samantalang, ang pag-eehersisyo ay nakatutulong upang maglabas ng endorphins ang katawan, isang hormone na nakakabawas at lumalaban sa stress.