Ni: Ma. Leriecka Endico
Si Kotani Makoto ay isang komedyanteng palaboy sa Japan, matapos paalisin ng kapwa niya komendyanteng kasabay din niyang lumipat sa Tokyo. Dahil sa pangyayari, naisipan ni Makoto irenta ang sarili at serbisyo sa halagang 45 sentimo. Gamit ang kanyang telepono, dinokumento ni Makoto ang kanyang mga karanasan at ibinabahagi ito sa Twitter.
Bukod sa kinikitang pera ni Makoto, nakakatanggap din ng iba’t ibang regalo at mga bagay mula sa mga tao ang komedyante katulad ng pagkain, damit at minsan ay isang gabing pakikitulog sa bahay.
Kilala na ngayon bilang Homeless Makoto ang komedyante sa social media at mayroon na rin siyang mga tagasuporta na kanyang tinatawag na “Kotani Family”.