PINAS

Pang. Duterte, pinuri ang China at SoKor, sa mabuting pagtrato ng mga Pilipino

Pinas News

SINABI ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang mga bansang  China at South Korea ay ilan sa mga bansa na pinakikitunguhan ang mga Pilipino ng kabutihan at respeto.

Nagpahayag din ng pagpasasalamat ang pangulo sa dalawang bansa dahil sa maluwang na batas sa imigrasyon para sa mga bisitang Pilipino.

Gayunpaman, pinaalalahanan ng pangulo ang mga Pilipino na naninirahan at nagtatatrabaho sa ibang bansa na sumunod sa batas ng bansang kanilang tinitirhan lalo na sa regulasyon laban sa ilegal na droga dahil hindi aniya matutulungan ang mga ito kapag sumabit ang mga ito sa naturang kaso.