Pinas News
Nanawagan ng pagkakaisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kaalyadong
bansa ng Pilipinas kaugnay sa hamon na hinaharap ng rehiyon sa
ginagawang Nuclear Missiles testing ng bansang North Korea.
Ginawa ng Pangulong Duterte ang pahayag nang bisitahin nito ang
Australian Warship, noong Martes sa Port of Manila.
Ayon kay Pangulong Duterte, dapat ay magsama-sama ang mga bansa
sakali man na magkaroon ng nuclear fallout.
Aniya, sinusuportahan nito ang mga kaibigang bansa ng Pilipinas tulad ng
Australia, America at kahit ang China at Malaysia para ipakita kay North
Korean Leader Kim Jong-Un na tigilan na niya ang ginagawang banta sa
seguridad sa rehiyon.
Dagdag pa ng pangulo, na malaki ang papel ng bansang China upang
mapigilan ang mga masasamang balak ng NoKor kaya nararapat lamang
bantayan ito ng maigi at paghandaan ang mga plano nito.