PINAS

Pangulong Duterte, nasa Japan na ngayon

Pinas News

NASA Japan na ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte para sa dalawang araw na working visit.

Ito ay upang makipagpulong kay Japan Prime Miniter Shinzo Abe at sa iba pang high ranking japanese officials upang palakasin ang bilateral relations ng Pilipinas at Japan.

Inaasahang tatalakayin sa pulong ng dalawang opisyal ang isyu sa ekonomiya, industrial, social at security arena at ang tensyon sa Korean Peninsula.

Si Pangulong Duterte ang kauna-unahang head of state na makikipagkita kay Abe matapos itong mahalal muli sa isinagawang eleksyon sa Japan.

Nakatakda ring makaharap ng pangulo sina Emperor Akihito at Empress Michiko bukas, araw ng Martes.

Matapos ito ay babalik na sa bansa ang pangulo kasama ang kanyang delegasyon na sina Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano, Defense Sec. Delfin Lorenzana, DTI Secretary Ramon Lopez at Harry Roque,bagong spokesperson ni Pang. Duterte.

Si Abe ay nakatakda ring dumalo sa 31st ASEAN Summit sa Nobyembre 13-15, 2017 na gaganapin dito sa Pilipinas.