Pinas News
Tinilakay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ginanap na Joint Police and Military Conference sa Malakanyang nitong Martes ng gabi ang security threats sa bansa.
Ito ay ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, at isa na dito ang banta ng terorismo sa bansa.
Dagdag ng kalihim, iniutos ng pangulo sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na mag-ingat sa pagkalat ng ISIS inspired terror groups sa labas ng Marawi City.
Ito ay sa kabila ng pagliit ng mundo ng Maute Terror Group sa Marawi City na ayon sa militar ay nasa final stages na para mabawi ang Islamic City.
Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na isa sa hamon na kinakaharap ng bansa ay ang pagpasok ng ISIS at gumagawa ng hakbang ang pamahalaan upang hindi na maulit ang naganap na kaguluhan sa Marawi sa iba pang bahagi ng bansa.