Ni: Joyce P. Condat
NARANASAN mo na rin bang mahirapan sa pagpili o pagiisip ng tamang regalo? Madalas akala natin madali lang ang bagay na ito dahil magbibigay lang naman tayo. Pero alam din natin na hindi lang tayo dapat magbigay, lagi nating isipin kung magugustuhan ba ito ng iyong pagbibigyan, lalo na kung siya ay mahalagang tao sa ating buhay.
“If you’re faced with buying a gift for somebody, and uncertain if they’re going to like it, maybe you instead find something you would like for yourself,” sabi ni Evan Polman, propesor sa University of Wisconsin-Madison sa US.
Isang pag-aaral ang inilabas sa Personality and Social Pscyhology Bulletin na nagsasabing mas masaya ang mga taong binibigyan natin ng regalo kung ang nagbibigay ay nakatanggap na ng parehong regalo. Ito ay tinatawag na “companionising” ayon sa mga mananaliksik.
“The fact that a gift is shared with the giver makes it a better gift in the eyes of the receiver,” paliwanag ni Polman na isa sa mga mananaliksik ng nasabing pag-aaral.
Gayunpaman, ipinapakita rin ng eksperimentong ito na hindi kailangang matalik na magkaibigan ang magbibigay at tatanggap ng regalo upang maging epektibo ito.
‘Daang kalahok ng pagsusuring ito ang nagsabing ang paraang ito ay ‘likeable, thoughtful and considerate’ sa pagbibigay ng regalo, lalo na kung ang regalong matatanggap ay may kasamang “I hope you like the gift. I got myself the same one too!”
“They like a companionised gift more, and they even feel closer to the giver,” ani Polman.