PINAS

PH remittances, Papalo ng $33-bilyon ngayong taon

 

Ni: Ma. Leriecka Endico

KASUNOD ng India at China, ang Pilipinas ang ikatlo sa may pinakamalaking natatanggap na padala o remittances. Ayon sa World Bank, nakikita nilang papalo ang mga padala sa $33 bilyon ngayong taon, mula sa pinakahuling tala na $32.8 bilyon.

“Remittances to the Philippines continue to remain resilient despite the political uncertainties in the Middle East, and are expected to grow by 5.3 percent in 2017, slightly higher than the estimated 4.5 percent increase in 2016”, ani sa ulat ng multilateral lender sa Washington.

Kaugnay nito, inaasahan na tataas pa sa 4.8 % hanggang $450 bilyon ngayong taon ang opisyal na tala ng mga padala, sa mga papaunlad na bansa.

“Remittances to low-and-middle-income countries are on course to recover in 2017 after two consecutive years of decline,” pahayag ng World Bank “Global remittances, which include flows to high-income countries, are projected to grow by 3.9 percent to $596 billion”, dagdag pa nito.

Anila, ang pagtaas ng tala na ito ay dulot ng malakas na paglago ng European Union, Russian Federation, at Estados Unidos.

Samantala, $28 bilyong padala naman sa cash remittances ang inaasahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas bago matapos ang taon.