PINAS

Pilipinas ready ka na ba? Calling the next president

Ni: Edmund C. Gallanosa

BINANSAGAN ‘Man of the People’ at ‘The Punisher’ –nangakong papatayin ang lahat ng lalabag sa batas at maghahasik ng lagim kabilang na ang pagtutulak ng droga sa bansa, wala pa man dalawang taon sa panunungkulan, samu’t saring haka-haka na ang kumakalat na marahil, hindi siya makatapos ng kaniyang responibilidad bilang pangulo ng bansa.   Minsan nang napabalita na may sakit ang pangulo, at bagama’t siya ang pinaka-matandang presidente ng Pilipinas na naluklok sa kapangyarihan sa edad ng 71, hindi malayong pag-isipan nila nang ganoon ang presidente, lalo na ng mga kritiko niya.

“It’s either you like him, or you hate him.  Natural lang pag-isipan nila nang ganyan ang pangulo, syempre gusto nilang makuha uli ang control of the government, sa panig nila.  Pero marami kasi ang nakaka-relate sa kaniya, kaya mahal siya ng mga tao.” Sabi ng isang supporter ni Duterte mula sa kanilang kampo na PDP-LABAN.

Hindi pa man nakakahinga nang maluwag ang Pangulong Digong sa mga puna na baka may karamdaman siya, dumagdag pa ang isang kontrobersyang pilit inuusisa at hinahalungkat ni Sen. Antonio Trillanes IV na may sikreto umanong P2.4 bilyong milyon bank account ng pangulo, na maaaring ika-impeach ni Digong.

Sino sa kanila ayon sa Pangulo

Sino ang maaaring pumalit sa kaniyang pamumuno, may makakapantay kaya sa mga nagawa niya sa maikling panahon, o mas makakahigit pa sa kaniyang popularidad at makuha ang ‘amore’ ng mga mamamayan?

Sino kaya ang napipisil ng pangulo?   Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, si Sara Duterte ang napipisil ng pangulo na pumalit sa kaniya.  “This is not official of course, but I think the issue here is he trusts the capability of Sara.  It’s like she is an effective person and mayor and politician who happens to be his daughter.”  Pahayag ni Abella.

Manok niya, manok mo, kani-kaniyang manok  

Sinubukan namin kumuha ng pahayag mula sa miyembro ng akademya at ng ilang religious groups.   Subalit ang karamihan sa kanila, bagama’t nagbanggit ng ilang personalidad bilang pamalit kay Digong, nangingibabaw ang kanilang sentimyento na masyado pang maaga upang masabi ang papalit sa pangulo.

“It’s too early to say.  Nagbabago ang tao.  Kahit na sabihin nating ang taong ito ay maaari nang pumalit sa iiwanan ni Pres. Duterte, hindi natin alam kung worth pa din ‘yung personality ng tao not until the right comesWhen something happens to the president, there is a law na dictates, sinong papalit.  As a citizen naman, we could only pick the right person if and when there is another election coming.   Right now, I personally cannot see the fittest person for the job, not right now, not yet.”  Sagot naman ng isang miyembro ng Roman Catholic Archdiocese ng Antipolo na ayaw magpabanggit ng kaniyang pangalan.

Minabuti naming magsagawa ng survey sa 300 katao upang magkaroon ng ideya kung sino ang napipisil ng mga mamamayan.  Ang 300 taong kinuha namin ay mula sa edad na 19 anyos pataas, may trabaho o wala, lalaki at babae.   Ayon sa aming naipong datos,  umabot sa 38% ang gustong si Bongbong Marcos ang pumalit kay Digong, o bilang na 114 sa bilang na 300 katao.  Tumala naman si General “Bato” dela Rosa na pumalo ng 32% o 96 na boto, at pangatlo naman ang anak niyang si Sara Duterte na tumala ng 18% na pagpili o 54 katao sa 300 lumahok.   Ang iba pang pangalan lumitaw ay ang sumusunod.

Bongbong Marcos                         114         38%

Gen. Bato dela Rosa                      96          32%

Sara Duterte                                   36          12%

Sen. Allan Peter Cayetano           27            9%

Sen. Manny Pacquiao                   18            6%

Sen. Antonio Trillanes IV              6            2%

Sen Risa Hontiveros                       3            1%

 

Total                                              300        100%

 

Maaaring masabing ‘insignificant’ ang mga datos na ito, nagpapakita lamang na sa pagdaan ng panahon na nais ng mga nakararaming Pilipino ang pagbabago.   Umaayaw na ang nakararami sa paikot-ikot lamang na pangako ng mga ‘traditional politicians’  at hanggat maaari, naghahanap sila ng mga bagong karakter na kinakikitaan nila ng talino, lakas ng loob, may political will at higit sa lahat, gusto ng mamamayan.

Magkaganunpaman, pahayag ni Pangulong Digong na huwag nang mag-alala ang mga tao kung matatapos man niya ang kaniyang tungkulin, o kung siya man ay may pangarap pang tumakbo sa pangalawang pagkakataon.

“Ako di na ako makatakbo.  Mayroon pa silang sinasabi hindi ko matapos ang six yearsIf God wants me to be there only two years, He will find a reason to oust me.   Either He will kill me, babagsak ako, or ang military magsabi sila, ‘ayaw na namin.”

“What does that mean to me?   That is part of my destiny.   Huwag ninyo akong takutin kasi para sa akin bigay ng  Diyos ‘yan—ang buhay ko pati ang trabaho.   Ngayon, anytime niyang kunin ‘yan that is part of the history of my presidency.”

 

Si Senador Manny Pacquaio at Gen. Bato dela Rosa, ilan sa mga personalidad na napipisil ng mga mamamayan pumalit kay Presidente Rodrigo Duterte.  Magkaganunpaman, pahayag ni Pangulong Digong na huwag nang mag-alala ang mga tao kung matatapos man niya ang kaniyang tungkulin, o kung siya man ay may pangarap pang tumakbo sa pangalawang pagkakataon. Diyos na aniya ang bahala sa kaniyang pagiging pangulo.  Photo credits: www.news.abs-cbn.com

Minabuti naming magsagawa ng survey sa 300 katao upang magkaroon ng ideya kung sino ang napipisil ng mga mamamayan.  Ang 300 taong kinuha namin ay mula sa edad na 19 anyos pataas, may trabaho o wala, lalaki at babae.   Ayon sa aming naipong datos,  umabot sa 38% ang gustong si Bongbong Marcos ang pumalit kay Digong.  Photo credits: newsinfo.inquirer.net

 

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella,  si Sara Duterte ang napipisil ng pangulo na pumalit sa kaniya.  “This is not official of course, but I think the issue here is he trusts the capability of Sara.  It’s like she is an effective person and mayor and politician who happens to be his daughter.”  Photo credits: www.ilovepagadian.com