PINAS

Pinakamahabang pilik mata sa buong mundo, bagong Guinness Record

Ni: Ma. Leriecka Endico

Ang karaniwang haba ng ating pilik mata ay nasa pagitan ng 0.8 at 1.2 sentimetro. Ngunit, isang babae ang nagkamit ng bagong Guinness Record na mayroong 12.4 sentimetrong haba ng pilik mata. Ito ay mas mahaba ng 5 pulgada sa karaniwang pilik mata.

Nakamit ni You Jianxia, dating direktor ng isang investment fund sa Shanghai, China ang 2018 Guinness World Records sa kategoryang “world’s longest lashes”. Tinalo niya ang 500 na sumali ngunit walang ni isa ang may kalapit ng haba sa kanya.

“Long eyelashes are wonderful thing, they symbolize health and longetivity.” Ani ni Jianxia.