Pinas News
NIRERESPETO ng Philippine National Police (PNP) ang paghahain ng petisyon ng Free Legal Assistance Group na kumikuwestyon sa Command Memorandum Circular Number 16, 2016.
Iginiit ni PNP Spokesperson Chief Supt. Dionardo Carlos na legal at naaayon sa konstitusyon ang kanilang operasyon kaugnay sa kampanya kontra droga ng pamahalaan.
Aminado si Carlos na may mga mapagsamantalang pulis na ginagamit ang mga programa ng gobyerno para sa kanilang interes.
Sinabi ni Carlos na kampante ang PNP na tama ang kanilang mga hakbang dahil nakapaloob sa programa ng pamahalaan at ng National Anti-Drug Plan of Action sa kanilang mga hakbang laban sa ilegal na droga.