Walang pinagkaiba si Marcos at Duterte. Hindi maitago ang mga damdamin ng ilan sa mga kababayan natin ang ikumpara si Presidente Digong at ang dating pangulo, Ferdinand E. Marcos. May ilang kasing pagkakahawig sa mga patakaran nila sa gobyerno kaya ang batid ng iba, ikalawang Marcos ang magiging pamumuno ni Digong.
Ni Bebra B. Ruma
Sa ikalawang taon pa lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi biro ang kinakaharap niyang suliranin ng bayan. Mabibigat na pagsubok, tulad ng giyerang inilunsad niya laban sa droga, mga anomalya sa iba’t ibang ahensiya, ang suliranin ng trapiko, pabahay sa mahihirap at mga sundalo’t pulis na nagsisilbi sa ating bayan, international community relations, ang giyera sa Mindanao.
Nagmistulang ‘war zone’ ang maunlad na Marawi at magpahanggang sa ngayon ay hindi pa nakababalik ang mga mamamayan nito. Upang mabilisang mabigyan-lunas ang pagsugpo sa mga naghahasik ng lagim, nagdeklara ng ‘Martial Law’ si Digong.
Ang pagdedeklara ng Martial Law ang nagbigay ‘kiliti’ sa mga isip ng mamamayang ikumpara siya kay Dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Lalong-lalo na sa mga ‘Martial Law babies’ malaki ang pagkakapareho ng pamumuno ni Marcos sa ipinapakitang pamumuno ngayon ng pangulo. Anila, siya nga ba ang ‘ikalawang Marcos?’
Walang pinagkaiba si Marcos at Duterte
Hindi maitago ang mga damdamin ng ilan sa mga kababayan natin na ikumpura si Digong sa dating diktador ng Pilipinas. May ilan kasing pagkakahawig sa mga naging kilos nila at patakaran sa gobyerno kaya hindi maialis na ipagkumpara ang dalawa.
Babanggit tayo ng ilang mga isyu kung saan napagkukumpara si Pangulong Digong at Ferdinand Marcos. Ano ang kanilang pagkakapareha at pagkakaiba sa mga palakad nila sa mga mababanggit. Bagaman puno’t dulo ang paggamit ng Martial Law ng dalawang pinuno, ihuhuli natin itong talakayin.
Curfew. Kasunod ng pagpapatupad ng Martial Law ang pagpapairal ng curfew sa bansa. Nagkaroon ng ibang kahulugan ang salitang ito sa panahon ni Marcos. Kinatatakutan ang mga otoridad noon kapag nakahuhuli ng mga lumalabag sa patakarang ito, dahil hindi basta kulong lamang ang aabutin, pagmamalupit pa sa kamay ng may kapangyarihan na minsan nauuwi sa kamatayan. Sa panahon ni Marcos, pinatupad niya ang curfew sa pagitan ng ika-11 ng gabi hanggang ika-4 ng madaling araw—para sa lahat ng mamamayan ng Pilipinas. Kay Digong naman, pinatupad niya ang curfew sa pagitan ng ika-10 ng gabi hanggang ika-5 ng madaling araw, para lamang ito sa mga menor-de-edad.
Extrajudicial Killings. Sa panahon ni Marcos, umabot sa tinatayang 3,000 buhay ang nawala at ang iba rito ay ‘unsolvable’ sapagkat hindi nalutas ang pagkakawala nila, ang iba pa ay kilalang personalidad. Sa panahon ni Digong, inihahantulad ito sa mga patayang nagaganap na may kinalaman sa ‘War on Drugs’ ni Digong, na tumatala na umano sa 5,000 killings, at bumibilang pa.
Philippine Army. Sa panahon ng pamumuno ni Marcos, ‘show of force’ ang pinakita ng pangulo sa kaniyang mga kapitbahay na mga Asyanong bansa, ganun na rin sa buong mundo. Kaya noong panahon ni Marcos, isa sa pinaka-prominente at kinakatakutan ang Sandatahang lakas ng Pilipinas—lalo na ang batikang Philippine Rangers. Sa panahon ni Digong, pinagpaplanuhan ng kaniyang administrasyon ang dagdag pang modernisasyon ng military marahil na rin sa nakikita niyang kalumaan at pangungulelat ng sandatahang lakas na ngayon ay dumaraan sa pagsubok sa giyera sa Marawi City.
Sa panahon ni Ferdinand Marcos at ng martial law tinarget ng kaniyang pamumuno ang mga tunay na rebolusyonaryo—ang mga NPA, ang mga makakaliwa, mga manggagawang kontra sa kaniyang gobyerno. Nasupil ang mga karapatang pantao, nasuspinde ang ‘writ of habeas corpus’ at tinanggalan ang mga mamamayan ng karapatang ipahayag ang kanilang mga saloobin. Photo credits: bagonglipunan.com
Sa panahon ni Presidente Digong, napilitan siyang iproklama ang martial law sa Mindanao upang masupil ang mga bandidong Maute kasama ang ilang elemento ng dayuhang Isis at mga lokal na Abu Sayyaf. Aniya, ang ‘military intervention’ sa Mindanao ay dahil sa hindi na kinaya ng civilian authority ang panatiliin ang kapayapaan sa kanilang lugar. Photo credits: aa.com.tr
Agrikultura. Binigyan ng pagpapahalaga ni Marcos na ang bansa ay isang ‘agricultural country’ kaya naman ginawa niyang ‘self-sufficient’ ang Pilipinas pagdating sa produksyon ng palay at mais. Hindi noon umaasa ang Pilipinas sa pag-aangkat ng mga suplay ng bigas sa mga kalapit bansa para lang mapakain ang populasyon. Sa panahon ni Digong, kinikilala rin niya na ang Pilipinas ay mananatiling agricultural country kaya naman puspusan pa ang pagpapalaganap niya ng mga programang pang-agrikultural tulad ng ‘free water irrigation’ at ‘market-guided farming projects’ para sa mga magsasaka sa buong Pilipinas.
Duterte: “I am not Marcos”
“Martial law is Martial Law ha. It will not be any different
from what the President Marcos did. I’d be harsh,” –Duterte, May 24, 2017.
Ito ang puno’t dulo ng pagkukumpara kay Digong at Marcos. Pareho kasi silang gumamit ng kapangyarihan ng Martial Law. Sa panahon ni Marcos kasi, kinatatakutan ang kaniyang pagproklama ng Martial Law sapagkat isa ito sa naging sanhi ng pagkakamatay ng maraming sibilyan at pagkakakulong ng iba na kumakalaban sa rehimen ng diktador noon. Samantalang wala pang 2 taon bilang pangulo si Digong, tumawag din siya kaagad ng Martial Law para sa Mindanao.
Sa panahon ni Marcos target ng kaniyang batas ang mga tunay na rebolusyonaryo—ang mga rebeldeng NPA, ang mga makakaliwa, mga manggagawang kontra sa kaniyang gobyerno, mga mamamayang sumasalungat sa kaniyang plataporma.
Nasupil ang mga karapatang-pantao, nasuspinde ang ‘writ of habeas corpus’ at tinanggalan ang mga mamamayan ng karapatang ipahayag ang kanilang mga saloobin.
Malaki ang pagkakaiba ng Martial Law ng dalawang pinuno. Kay Marcos, pinatupad ang Martial Law para sa buong Pilipinas, upang ‘targetin’ ang mga kalaban niya sa gobyerno,
Sa panahon naman ni Digong, napilitan siyang iproklama ang Martial Law na limitado lamang sa buong Mindanao. Ito ay upang masupil ang mga bandidong Maute kasama ang ilang elemento ng dayuhang ISIS at mga lokal na Abu Sayyaf.
Aniya, ang ‘military intervention’ sa Mindanao ay dahil sa hindi na kinaya ng civilian authority ang panatiliin ang kapayapaan sa kanilang lugar. Isa pang importanteng pagkakaiba ng Martial Law ng dalawa ay sa panahon ni Digong, ang panuntunan ng konsitusyon ng bansa ay nananatili, walang suspensyon ng mga karapatang pantao kabilang ang writ of habeas corpus at sinisiguro lamang ng administrasyon na ang military intervention ay para lamang sa pagsupil ng mga bandido.
Ayon pa sa mga malapit sa pangulo, masyado pang maagang husgahan ang mga galaw ng pangulo, lalo na ang ikumpara siya sa dating diktador. Maka-masa at may malasakit sa mga Pilipino si Digong sabi ng kaniyang administrasyon, hindi siya hahataw ng aabot sa 84% approval rating sa mga survey kung hindi nagpapakita ng magandang resulta ang pangulo sa pagganap ng kaniyang tungkulin. Magtiwala lang nang lubos ang mga tao. Seryoso aniya sa pagbabago at kaunlaran ang kanilang ‘working president’.