PINAS

Rhian, wala pang balak mag-asawa

Pinas News

Pinag tawanan lang ng magandang Kapuso actress Rhian Ramos ang tsikang maaaring buntis na siya dahil kagagaling lang niya sa bakasyon sa Iceland kasama ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Jason Choachuy.

Pero aniya, wala pa silang balak magpakasal. Sa ngayon, masaya siya dahil magiging abala siya sa kanyang ginagawang romantic comedy movie at teleserye.