PINAS

Robin Padilla, walang balak pumasok sa pulitika

Pinas News

HINDI raw inaasam ng aktor na si Robin Padilla na pumasok sa mundo ng pulitika.

Ito ay sa kabila ng masigasig niyang pagtulong para makabangon ang Marawi City.

Ayon kay Robin, gusto niyang maging lalaking bersyon ng yumaong mapagkawang-gawa na aktres na si Rosa Rosal na iginugol ang buhay sa pagtulong sa kapwa sa pamamagitan ng mga charity.

Kuntento na rin daw siya sa kaniyang buhay sa showbiz.

Nagbiro pa si Binoy na baka mabugbog lang niya ang mga senador kapag pumasok siya sa pulitika.