• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Saturday - February 16, 2019

PINAS

Ang Bagong May-ari ng Mundo (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

Recent News:

  • Ms. Universe 2018 Catriona Gray, dumalo sa NFL honors
  • Mga atleta ng Pilipinas, naghahanda na para sa 2019 Southeast Asian Games
  • Build, Build, Build Program, naantala dahil sa kakulangan ng trabahante ayon kay Pang. Duterte
  • COMELEC, sinimulan na ang kanilang hakbang laban sa mga kandidato na may illegal campaign poster
  • Pang. Duterte, kinastigo si dating senador Kit Tatad
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Internasyonal
  • Probinsyal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • Buhay
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • OFW
  • Opinyon
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

Ruru Madrid, patuloy na sumisikat  

October 16, 2017 by Pinas News


 

By: Wally Peralta

Hindi man naitanghal bilang grand-winner sa artista search program ng GMA-7 na “Protégé”, si Ruru Madrid ay itinuturing naman ngayon siya na isa sa mga sexy-action star ng Kapuso Network.

Matatandaang, unang sinubukan ni Ruru ang mga drama at tweetUM roles sa GMA-7. Ngunit, hinubog na siya ng kanyang network upang maging action star, noon sa “Encantadia” at ngayon ay sa “Alyas Robin Hood” ni Dingdong Dantes.

Pinaghahandaang maigi

Ikinuwento ng aktor na hindi naging madali sa kanya upang ma-achieved ang magandang pangangatawan ngunit ginawa niya ang lahat upang makuha ito.

“Una sa lahat, isa na doon ay ang pagwo-work-out ko almost everyday, 3 hours a day, medyo mahirap kasi umaabot na ako sa point na halos mangiyak-ngiyak na ako sa hirap,” pahayag ng aktor.

“Nagpa-parkour din ako, may archery pa ako, ‘andiyan yun mixed martial arts, sinisingit ko rin yung boxing and jitsu at muay thai, medyo pinapatay ko ang sarili”

Ani Ruro, kailangan niya ang mga ito para ma-enhance ang kanyang action skills, sa kanyang mga palabas.

Gusto niyang siya mismo ang gagawa ng mga stunts sa Alyas Robinhood.

Bagaman hindi siya inutusan ng mga staff na mag-work-out palagi pero ginagawa niya dahil gusto niyang gawin ang lahat ng mga ipinapagawa ng direktor sa kanya.

“Iyon bang pag tinanong ako ni direk ng “Ru, kaya mo bang gawin ito’, ang masasagot ko lagi ay ‘opo’. Ayoko kasing magpa-double, gusto ko lahat ng action scenes na ipagawa sa akin ng director ay magagawa ko,” dagdag pa ng aktor.

Idolo si Dingdong

Ayaw din niyang mapahiya sa kanyang idolong si Dingdong na bida sa nasabing serye kaya talagang pinagbubuti niya ang paggawa ng kanyang mga action scene.

“Si Kuya Dong ay nakasama ko na sa “Encantadia” sobrang saya ko kasi ever since si Kuya Dong ang tinitingala kong actor, hindi lang sa pag-arte, ganun na din sa pagdating sa tunay na buhay, ang dami niyang advocacies, marami siyang business, nagpro-produce at nagdi-director siya, kumbaga, kung ano ang gusto ko maging someday ay nasa kanya,” pagku-kuwento niya.

Nami-miss si Gabbi Garcia

Sinabi ng aktor na naging malaking bahagi ng kanyang kasikatan ang pagtatambal nila ng kanyang ka-love team na si Gabbi Garcia, pero ngayon ay pansamantala silang pinaghihiwalay ng GMA-7.

Si Ruru ay solo na sa ‘Encantadia’ at ‘Alyas Robin Hood’ samantalang si Gabbi sa ngayon ay ini-explore ang kanyang modeling side sa commercial at magazine covers pati na rin ang singing career.

Ayon pa sa aktor na masaya siya para sa ka-love team dahil alam niyang masaya ito sa ginagawa lalo na ngayong marami itong mga endorsement.

Hindi siya naniniwala na tapos na ang tambalan nila, lamang binibigyan lang sila ng pagkakataong parehong mag-grow bilang individual. Ang mahalaga aniya, parehas nilang ginagawang maayos ang kanilang trabaho.

“Im happy for her,” ayon pa sa gwapong aktor.

Hindi rin umano niya tatanggihan kung bibigyan siya ng panibagong ka-love team.

Aniya, kung ano ang plano sa kanya ng network ay go lang siya dahil alam naman niyang para iyon sa ikakaganda ng kanyang career.

Related posts:

  • Ai Ai Delas Alas at Gerald Sibayan, may forever nga ba?
  • Jennylyn Mercado, ang haba-haba ng hair para kay Dennis Trillo
  • MARIAN RIVERA, walang pakialam sa ‘rating game’
  • Janin Gutierrez, blooming dahil kay Rayver Cruz?
  • Max Collins, Feeling dalaga pa rin si Misis

Showbiz Slider Ticker Alyas Robin Hood Dingdong Dantes Encantadia Gabbi Garcia GMA-7 Ruru Madrid Wally Peralta

Reader Interactions

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2019 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.