Ni: Quincy Joel V. Cahilig
Ang climate change marahil ang pinakamalaking problema ng kasalukuyang kinahaharap ng sangkatauhan, kung saan nakasalalay din ang kinabukasan ng mga susunod na henerasyon at ng mundo.
Ayon sa isang on-going temperature analysis ng mga scientists sa Goddard Institute for Space Studies ng National Aeronautics and Space Administration, ang average global temperature ng mundo ay tumaas ng 0.8° Celsius (1.4° Fahrenheit) mula noong nagsimulang magkaroon modernong pagtatala ng temperatura taong 1880. Ang pag-init ng mundo ay bunsod ng mataas na antas ng greenhouse gases sa atmosphere mula sa mga fossil fuels na ginagamit sa paglikha ng enerhiya.
Ang pag-init ng mundo ay nagdulot sa pagbabago sa klima at weather patterns kaya naging malakas na ang mga bagyo, mahabang tagtuyot, heat wave, at pagkatunaw ng mga ice glaciers, na nagpapataas sa sea level na maglulubog sa maraming lugar, kabilang ang ilang bahagi ng Pilipinas.
Ang mga nasabing epekto ng climate change ay nakapipinsala rin sa kalusugan, kabuhayan, at suplay ng pagkain ng mga tao. Apektado rin nito ang mga hayop at mga halaman.
Babala ng mga eksperto, magpapatuloy ang naturang phenomenon sa loob ng maraming taon. Kaya naman noong 2015, ay bumalangkas ng kasunduan ang mga bansang kabilang sa United Nations Framework Convention on Climate Change sa Paris,France, kabilang ang Pilipinas, na maglilimita sa pagtaas ng global average temperature “below two degrees Celsius above pre-industrial levels”. Ang naturang kasunduan ay pinagtibay ng 175 na mga bansa noong Abril, 2016 sa New York, USA at sinimulang ipatupad noong Nobyembre ng nasabing taon.
Kabilang sa mga mahahalagang hakbang sa pagtugon sa hamon ng climate change ang paglikha ng mga teknolohiyang makakatulong sa tao na makasabay sa nasabing pagbabago sa mundong kaniyang ginagalawan.
MALINIS NA ENERHIYA
Ang carbon emissions mula sa paggamit ng fossil fuels—na ginagamit ng maraming planta ng kuryente upang makagawa ng enerhiyang kailangan para mailawan ang mga tahanan at gusali, gayundin para mapatakbo ang ating mga appliances, equipment, at gadgets—na mga pangunahing sanhi ng global warming. Kaya naman, isinusulong ng ngayon ng mga siyentipiko at environment advocates ang paggamit ng mga renewable at clean energy sources.
Sa Pilipinas, isinusulong ng mga power producer companies na First Gen at Aboitiz Power ang renewable energy sources tulad ng natural gas, geothermal, hydro, wind, at solar. Napaulat din na pinaplano ng infrastructure giant na Metro Pacific Investments Corp. na pumasok sa naturang sektor upang magamit ito ng waste products sa paglikha ng kuryente at upang mabawasan din ang polusyon.
Isa rin sa mga solusyon na nakikita ng mga siyentipiko ay ang nuclear power dahil ito ay walang carbon emission at napakayamang source of electricity, ngunit may kaakibat na panganib tulad ng posibilidad ng meltdown. Kaya naman tumutuklas ang mga siyentipiko ng mga teknolohiya na gagawing mas ligtas at cost-effective ang nuclear energy.
Isa sa mga kumpanyang nagsusulong ng safe nuclear energy ay ang General Fusion na kasalukuyang nagde-develop ng commercially viable nuclear-fusion-energy power plant.
“Fusion produces zero greenhouse gas emissions, emitting only helium as exhaust. It also requires less land than other renewable technologies. Fusion energy is inherently safe, with zero possibility of a meltdown scenario and no long-lived waste, and there is enough fusion fuel to power the planet for hundreds of millions of years,” pahayag ng naturang kumpanyang nakabase sa Canada.
MAS ‘POWERFUL’ NA ELECTRIC CARS
Ang sektor ng transportasyon ang ang nagdudulot ng 23% ng global energy-related carbon dioxide emissions. Kaya naman naimbento ang mga sasakyang pinatatakbo ng kuryente sa halip na gasolina, na ginagamit na ng maraming motorista ngayon. Ngunit tinatayang tataas pa ang demand sa mga de-kuryenteng sasakyan kaya naman kinakailangan na mas mapaganda pa ang teknolohiya ng mga ito.
Kamakailan nakaimbento ang mga eksperto sa University of Surrey sa United Kingdom ng material na mas efficient at mas matagal ang buhay ng 1,000-10,000 beses kumpara sa existing battery alternative ng mga de-kuryenteng sasakyan. Ibig sabihin, posible nang makapagbiyahe ng mahabang distansya, tulad ng de-gasolinang sasakyan, ang mga de-kuryenteng kotse sa malapit na hinaharap.
“The new technology is believed to have the potential for electric cars to travel to similar distances as petrol cars without the need to stop for lengthy recharging breaks of between 6 and 8 hours, and instead recharge fully in the time it takes to fill a regular car with petrol,” pahayag ng nasabing unibersidad.
HIGH-TECH NA MGA PAGKAIN
Ang pagsustena sa suplay ng pagkain para sa 7 bilyong tao sa buong mundo ay napakalaking hamon ding dala ng climate change dahil naapketuhan nito ang ang mga pananim. Dahil mas malakas na ang mga pag ulan at mas matindi na ang init, tila di na maiwasan ang pagkasira ng mga pananim na magdudulot ng food shortage.
Kaya naman nag-develop ang mga siyentipiko ng mga uri ng pananim na kayang mabuhay sa extreme weather conditions. Gaya ng naimbento ng International Rice Research Institute sa Los Banos, Laguna na uri ng palay na kayang mabuhay kahit malubog ito sa baha sa loob ng 17 days.
Itinuturing din na factor sa pagtaas ng temperature ng mundo ang pagkonsumo ng karne. Dahil dito, may mga food companies tulad ng Beyond Meat, ni Microsoft co-founder at philanthropist na si Bill Gates, na nagde-develop ng mga meat substitutes na malapit sa itsura at lasa ng totoong karne. Nakagawa ang naturang kumpanya ng kauna-unahang meat burger na gawa sa vegetable protein mula sa peas.