Pinas News
Mukhang hindi na kinaya ng internet sensation na si Marlou Arizala aka Xander Ford ang mga natatanggap na pam-babash sa kanya ng mga netizen dahil emosyonal na itong nagpahayag ng kanyang nararamdaman sa social media.
Sinabi ni Xander, na sana tigilan na ang paninira sa kanya dahil hirap na hirap na siya.
Binigyang-diin niya na hindi siya kilala ng mga naninira sa kanya kaya walang karapatan ang mga ito na husgahan ang kanyang pagkatao.