Pinas News
ISINAILALIM na sa State of Calamity ang Zamboanga City matapos na malubog sa baha ang 17 labing-pitong barangay dahil sa mga pag-ulan na dala ng bagyong Paolo.
Umabot na rin umano sa P45-M apatnapu’t limang milyong piso ang halaga ng pinsala sa mga pananim habang mahigit 3,000 tatlong libong pamilya naman ang apektado ng kalamidad.
Pito katao na rin umano ang naitalang patay at 150 isandaan at limampung kabahayan na ang nasira dahil sa bagyo.