Pinas News
PATAY ang 15 katao at 5 ang sugatan sa naganap na stampede sa bayan ng Sidi Boulalam, Essaouira, Morocco.
Naganap ang stampede habang namimigay ng food aid ang ilang pribadong sektor.
Base sa ulat, karamihan sa mga biktima ay mga babae at matatanda.
Agad namang nagpahatid ng suporta ang hari ng Morocco na si King Mohammed VI para sa mga pamilya ng biktima.
Nabatid na madalas pangunahan ng mga pribadong sektor at mga otoridad ang pamimigay ng pagkain sa bahagi ng Hilagang Africa lalo na sa mga liblib na lugar.
Sa ngayon ay nakakaranas ng taggutom ang bansa dahil sa kakulangan ng pagkain dulot ng pagbagsak ng agrikultura doon.