PINAS

7 Best Gadgets na pang-regalo sa darating na Holidays

 

Pinas News

DRONES? Hoverboard? Gaming console? Parating na naman ang panahon ng kapaskuhan at hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang pasko ay panahon din ng mga regalo para sa pamilya, kaibigan, o kahit pansarili lamang. Ito ang 7 gadgets na tunay namang in na in sa trend na nais matanggap ng bawat isa ngayong holidays.

SMARTPHONES. Maraming smartphones ang tunay namang nagpapasikat ngayon sa mga kakaibang features at specs nito gaya ng futuristic na iPhone X na gumagawa ng ingay dahil wala na itong home button para sa fingerprint scanning kung saan nabubuksan ito gamit ang face ID o ang iyong mukha. Ngunit nilalabanan ito ng Samsung Galaxy Note 8 na punung-puno naman ng features para sa workplace mo at marami pang ibang pang-araw-araw na gawain. Lumalaban naman sa camera feature ang Google Pixel 2 at Huawei P10. Ang iPhone 8 at Samsung Galaxy S8 ay para naman sa nagnanais pa ng ibang smartphones mula sa dalawang tech giants. Ang Motorola naman ay bumabawi sa best affordable smartphones sa merkado gaya ng G5 Plus at Moto E4 models nito. Marami pang ibang brands na tunay namang palaban din sa specs gaya ng flagship models ng OnePlus, LG, HTC, Oppo, XiaoMi, at ang nagbabalik na Nokia.

TABLETS. Kung hindi pa sapat ang smartphones sa inyong pangangailangan, ang tablet naman ay iyong subukan. Ang Microsoft Surface Pro (2017) ang pinaka-malakas sa kompetisyon dahil sa specs at power nito na tulad ng isang laptop ngunit may touchscreen and pen input capabilities na tunay namang kahanga-hanga. Ngunit patok pa rin sa mga mamimili ang iPad Pro (2017) dahil sa pagiging user-friendly nito para sa araw-araw na pangangailangan. Sinasabayan naman ito ng Google Pixel C, android tablet na pamalit sa iPad. Ang Samsung Galaxy Tab S3 at Galaxy Book naman ang mga pwedeng pagpilian mula sa Samsung. Humahabol din sa kumpetisyon ang Huawei MediaPad M3 dahil sa palabang specs nito sa mas murang halaga. Maaari ring ikonsidera ang mga tablets mula sa ASUS at Lenovo.

SMART WATCH. Ang Apple Watch Series 3 pa rin ang pinaka-maganda sa merkado dahil sa watch-as-phone capabilities nito na pantasya mo lang noong bata ka. Hindi rin naman papatalo ang Samsung sa bago nitong Gear Sport at Gear Fit 2 Pro na sumunod sa Gear S3 series ngayong taon. Sumusunod naman sa trend ang Fitbit sa model nitong Ionic, Alta HR, at Charge 2 na mas mura sa specs nito para sa pag-eehersisyo. Maganda ring fitness tracker sa “classy” nitong disenyo ang Garmin Vivomove HR na sinundan ng iba pang modelo nito na Vivoactive 3 at Vivosport.

CAMERAS. Maaari mang kumuha ng larawan gamit ang iyong smartphones, wala pa ring tatalo sa tunay na camera kung isa kang photo-enthusiast. Umuuso ngayon ang mirror-less cameras kung saan may kakayahan na ito tulad ng isang DSLR camera sa mas maliit na body. Kilala dito ang mga models ng Sony tulad ng A7R III, RX10 IV, A9, Alpha 6000, at A6500, ganundin ang Panasonic Lumix Series, at Fujifilm X-Series. Marami ring upgraded at affordable DSLR’s ang Canon at Nikon tulad ng D7200 at D500 para sa pro-shooting. Idagdag pa sa pagpipilian ang compact cameras na siya din patok sa masa ngayon tulad ng Fujifilm X100F, X70, at Canon PowerShot G7 X Mark II na magandang dalhin sa mga trips nyo ngayong holidays. Hindi pa rin mawawala ang Fujifilm Instax, GoPro Hero, at Samsung Gear 360 sa pwede mong iregalo ngayong kapaskuhan.

HEADPHONES at SPEAKERS. Kung mahilig ka sa music, maraming produkto ngayon ang tunay namang masarap gamitin dahil sa sound quality nito, portability, at design. Hindi mawawala sa listahan ng headphones ang Bose QuietComfort 35 II, V-Moda Crossfade 2 Wireless, Sony MDR-1000X, at MDR-1A. Sa headsets, hindi magpapatalo ang Apple AirPods, BeatsX, at Bose SoundSport Wireless. Sa speakers naman, maaari rin iregalo ang Yamaha WX-010, Focal Sib Evo set, Anker SoundCore Boost, at Yamaha YAS-207.

VR HEADSETS. Isa sa nais na matanggap ngayong holidays ang Virtual Reality Headsets na madalas ginagamit sa entertainment at gaming. Ilan sa mga sikat na VR headsets ngayon ay ang Oculus Rift, HTC Vive, Acer Windows Mixed Reality Headset, Google Daydream View (2017), Lenovo Mirage AR headset, at Lenovo Explorer. Tunay namang mag-e-enjoy ang sinumang makagamit ng mga ito.

LAPTOPS. Kung may pera ka rin naman at nais mong magbigay ng mas kapaki-pakinabang na gadget sa ngayon, sino kayang hindi sasaya kung makatanggap ng laptop? Isa sa pinaka-magandang laptop ngayon sa merkado ay ang HP Spectre x360 (13 and 15-inch, 2017)—hybrid laptop na may touch-screen display na magaan ngunit tunay namang may ibubuga. Para naman sa mga Apple-fans, sulit din ang MacBook Pro w/ TouchBar (13 and 15-inch, 2017). Trend na ngayon ang mga hybrids at convertible laptops gaya ng Microsoft Surface Pro, Samsung Chromebook Pro, Lenovo Mix 510, Dell XPS 13 2-in-1, at Asus Chromebook Flip.

Marami kang pwedeng pagpilian mula sa mga ito nasambit para mapasaya ang nais mong bigyan ng regalo ngayong holidays maging ibang tao man yan o sarili mo. Ang mahalaga ay ang puso at galak na makapagbigay sa kapwa bilang tunay na ibig sabihin kahulugan ng pasko.