Ni: Ana Paula A. Canua
TINALO ng pitong taong gulang na si Ayasofya Vittoria Aguirre ang kanyang mga katunggali na mas matatanda sa kanya na halos dalawang beses, sa naganap na 29th Annual Skate Japan 2017 sa Saitama Ice Arena sa Ageo City, Japan.
Nag-uwi ng tatlong gintong medalya at isang silver medal at special award bilang Best Overall in Artistic Performance si Ayasofya.
Kasama sa nasabing patimpalak ang mga kalahok mula Japan, China, Indonesia, Hongkong, Malaysia at Thailand. Unang napalalunan ni Ayasofya ang kanyang gold matapos talunin ang 13 taon na Indonesian Skater na si Ivana Antoinette Michaela sa kategoryang footwork elements.
Samantalang nasungkit naman ni Ayasofya ang dalawa pang gold nang talunin ang figure skaters mula sa Hongkong sa kategoryang Technical Elements.
Bukod kay Ayasofya, nag-uwi rin ang medalya ang mga batang atleta na sina Shaelynn Adrianne Bolos, pitong taong gulang ng tatlong ginto at isang silver. Hossana Immanuela Valdez, walong taong gulang ng tatlong ginto. 11-year-old Mishka Bolos ng dalawang ginto at isang silver. Maegan Ramos 12-year-old, isang gold at isang silver. At Yuria Yumoto, 13-year-old, naiuwi ang 2 silvers.
Sa murang edad sumasalailalim na sa muscle conditioning, strengthening , endurance at stamina work-out ang mga bata. Sa kanyang facebook post, makikita ang batang si Ayasofya na abalang-abala sa gym para mag-training.
Suporta ng trainers at higit sa lahat ng magulang
Naniniwala ang ama ni Ayasofya na napakahalaga ng suportang binibigay ng magulang upang magtagumpay ang isang atleta sa laro. Ito ay para mas patatagin ang loob at tiwala sa sariling ng atleta.
Ayon sa ama ni Ayasoyfa na si tatay Arnold M. Aguirre, “I believe emerging athletes should be guided by parents as much as possible. I made a big sacrifice giving up my full-time job, just to monitor her progress. I remember the comment of our Rio Olympian Hidilyn Diaz during my daughter’s session with their conditioning coach Jay Futalan where she envied us because she saw how supportive we were to our daughter,” ani niya sa panayam ng Manila Bulletin.
Sa tulong rin ng Philippine Sports Commission(PSC) sa ilalim ng the grassroots program, Sports Director Marc Velasco of Philippine Sports Institute (PSI) at Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez at Coach Jay Futalan ng Philippine Center for Sports Medicine (PCSM) ginabayan nila ang mga atleta upang makamit ang winning form sa laro
Traning at pag-aaral
Katulad ng ibang bata abala rin sa paaralan si Ayasofya. Ang kanyang madalas na routine, pagtapos pumasok sa paaralan diretso sa ice skating rink, at sa kanyang pag-uwi doon niya pa lang gagawin ang kanyang mga homeworks.
Kapag may pagkakataon naman na mag-training dimidiretso agad si Ayasofya sa ice skating rink, sa facebook post na binahagi ng kanyang ina, makikita si Ayasofya na abala sa training kahit pa suspendido ang klase.
Ang ganitong tagpo ay normal lamang sa mga atleta lalo pa kung may pinaghahandaang kompetisyon at para na rin mapanatili nila ang porma at galing sa pagpe-perform.
“I like it because of Elsa”
Nagsimula si Ayasofya sa figure skating noong limang taon pa lamang siya. Sa panayam ng CNN Sports Desk sabi ni Ayasofya na madali lamang para sa kanya ang figure skating, “I like it [figure skating] because it’s fun, because we can do slides, i like when we practice and we enjoy what we’re doing.”
Isa pa sa mga dahilan kung bakit mahal niya ang sports na ito ay dahil sa paborito niyang Disney Movie na ‘Frozen’, “I like it because of Elsa in Frozen and i enjoy it,” masayang tugon ng batang atleta.
Pangarap na maging International figure skater champion
Ngayon pa lamang nasa isip na ni Ayasofya na lumahok sa International Figure Skating competitions, aniya sunod niyang nais na puntahang bansa ay Hongkong para salihan ang ilang ice skating competitions. At dagdag rin niya na kapag naging magaling na magaling na siya sa hinaharap pangarap din niya makasali sa Olympics.
“I pray to God that’s why i got gold”
Sa murang edad pa lamang taglay na ni Ayasofya ang mga katangian ng isang kampeon. Ang kanyang disiplina, dedikasyon at pagmamahal sa kanyang napiling larangan. Napakahalaga na sa kabila ng hirap ng training nanatiling naeenjoy ng isang atleta ang kanya ginagawa. Nang tanugin kung paano niya napanalunan ang mga gintong medalya, ang pakli ng paslit
“I’m happy and I pray to God that’s why i got gold”.