Pastor Apollo C. Quiboloy
ANG unang misyon ng Dakilang Ama ay ang pagbawi muli sa nawala ng Nilikhang Anak –ang Sonship at ang Kingship mula sa mga kamay ni Satanas na si Lucifer ang demonyo.
Binisita ni Satanas ang Ama sa isang disyerto habang nag-aayuno ng apatnapung araw at gabi. At pinakita ng demonyo sa Kanya ang lahat ng kaharian ng mundong ito. “Ang mga ito ay ibinigay sa akin, ibibigay ko ang mga ito sa iyo. Ang kondisyon ay kailangan sumamba ka sa akin.” (Lucas 4:6-7)
Gawain na naman ito ni Satanas na si Lucifer ang demonyo. Nais niyang maipatupad ang kalooban niya sa Bugtong na Anak na ang misyon ay mabawi muli ang anumang nawala, ang Sonship at ang Kingship. Ngunit hindi nagtagumpay si Satanas. Sa bawat pagkakataon siya ay tinututulan at ang Bugtong na Anak, ang Salita na naging laman, ay binayaran ang halaga sa pamamagitan ng Kanyang pagpapapako sa krus ng Kalbaryo. Sa panahong iyan ay sinabi Niyang, “Ito ay natapos na.”
“Ito ay natapos na,” ay nangangahulugang nakuha ko na ang Sonship at ang Kingship. Ang mga ito ay dapat na maibigay sa tagapagmana.
ANG MISYON NG HINIRANG NA ANAK
Kaya ngayon ang Ama ay naghahanap mula sa makasalanang lahi ni Adan ng isang tagapagmana, ang “isa” na magmana ng Sonship at ng Kingship, dahil ito ay tunay na pagmamay-ari natin.
Wala na si Adan, kaya isa sa atin ang kuwalipikado. Sinuman na kuwalipikado ay mabibigyan ng pagkakataon na ulitin ang anumang nangyari sa Hardin ng Eden, humalili sa lugar ni Adan at ulitin muli ang buong tagpo hanggang siya ay gumamit ng kanyang kalayaan sa pagpili sa pagsunod sa Kalooban ng Ama kahit anuman ang mangyayari.
At ang taktika ni Satanas ay pareho lang gaya ng dati.
“Ibibigay ko ang lahat ng ito basta sambahin mo ako.” (Lucas 4: 6-7)
“Ibigay ko ang lahat ng ito –kayamanan, popularidad, hangga’t pinapangaral mo ang Holy Three.”
“Basta sambahin mo ako…” ang kahulugan ay magpapasailalim kayo sa aking paglinlang. Hindi kayo susunod at mangako sa inyong sarili sa Tipan, o sa mga Salita. Gagamitin ninyo ito, gamitin ang Kanyang Pangalan, gamitin ang Kanyang mga Salita, ngunit huwag mangako dito sa pamamagitan ng pagsunod dito sa pamamagitan ng pagsisisi at sabihing, ‘Hindi ang aking kalooban, ngunit ang Inyong Kalooban ang magaganap, Ama.’ Huwag sabihin iyan! Magagawa ninyo ang lahat huwag lang ang pagsalita ng katotohanan. Magagawa ninyo ang lahat, huwag lang sa Kalooban ng Ama. Maaari kayong mag-speak in tongues, gumawa ng mga himala, idalangin ang mga maysakit, mangaral, mag-Bible study, dalhin ang mga Bibliya, kahit limang Bibliya kung kaya ninyong bitbitin. Mag-Bible study dito, Bible study doon. Bago maglaro ng golf, mag-Bible study muna. Pagkatapos maglaro ng golf, mag-Bible study. Bago kumain, Bible study muna. Pagkatapos kumain Bible study na naman. Bago matulog, Bible study. Kapag gumising, Bible study. “Kailan pa man ay hindi nakararating sa pagkaalam sa katotohanan.” (2 Timoteo 3:7)
At ‘yang lahat ay hinggil sa Simbahang Kapanahunan. Itong lahat ay ang pagpapakilala sa Simbahang Kapanahunan. Hindi ba ito tama, mga tao nasa Simbahang Kapanahunan? Hindi ba ako nagsasabi ng katotohanan? Hindi ba kayo mga mapagkunwari? Ginamit ninyo ang Kanyang mga Salita ngunit hindi sinunod ang mga ito. Mas sinunod pa ninyo ang Holy Three kaysa Holy One. At kapag ipinangaral ko ang Holy One at itatag ang kautusan ng Dakilang Ama, itatag ang Kanyang Kalooban dito sa mundo, ano ang ginawa ninyo sa akin? Tinawag ninyo ako sa lahat ng uri ng mga pangalan. Inakusahan ninyo ako sa maraming mga bagay. Gumawa kayo ng maraming masamang bagay at pagkatapos ay idinikit niyo ito sa akin. Kagaya ng sa internet, kinuha ninyo ang larawan ng demonyo at idinikit ito sa aking mukha. Iyan ang inyong kasalanan. Ngunit kahit anuman ang gagawin ninyo, narito ako upang itatag ang Kalooban ng Ama sa sangkatauhan kahit anuman ang mangyayari, dahil ito ay Araw para sa Panginoon.
Nang una kayong pinili, hindi ninyo ginawa ito at kayo ay nabigo. Pagkatapos ang paghirang ay dumating sa akin. Ako ay hinirang para dito. Ako ay itinalaga, tinawag, “isa” na nailigtas sa kasalanan na naging Anak ng Panginoon, sa katuparan ng Pahayag 21:7: “Ang magtagumpay ay magmamana sa lahat ng mga bagay na ito” –ang Sonship at ang Kingship – “at ako ay magiging Anak Niya, and Siya ay magiging aking Panginoon.”
At ako ay nanagumpay. Hindi na ako ang Panginoon ngayon. Ang espirituwal na rebolusyon sa wakas ay nagpapawakas sa pamumuno ng binhi ng serpente dahil ang Panginoon na ngayon ang nasa trono sa isa sa mga miyembro ng makasalanang lahi ni Adan.
Sa pamamagitan ng pagtalima ng “isa,” itinatag ng Ama ang Kanyang pamamahala sa “isa” na yan. Ang Panginoon ngayon ay ang Panginoon at Siya na ngayon ang Hari sa “isa” na ito mula sa makasalanang lahi ni Adan na siyang magsisimula sa pagkalaglag sa pamamahala ni Satanas na si Lucifer ang demonyo dito sa mundong ito ngayon. At Kanya akong ipinadala sa buong mundo.
Ang aking misyon bilang hinirang ng Anak ay ang pagmamana sa lahat ng mga bagay. At ngayon ay nasa akin ang Sonship at ang Kingship.
Bago ko ito naangkin, binisita ako ni Satanas na si Lucifer ang demonyo sa bundok (Tamayong) na iyan ng limang taon at sa bawat hakbang ay sinabi niya sa akin, “Walang silbi ang pagsunod sa Kalooban ng Ama. Tingnan mo, kumakain ka ng mga saging; iniwan ka ng lahat ng tao, inuusig ka ng lahat, wala ka man lang kahit isang metro kuwadradong lupain. Ikaw ay inihagis kung saan ka ngayon. Ito ba ang halaga ng pagsusunod sa Kalooban ng Ama? Bumalik sa akin. Ipadadala kita sa Amerika. Ipakakasal kita sa isang magandang babaeng Amerikana, ang iyong kasintahan. Bibigyan kita ng mga pribilehiyo, popularidad, at pera. Tingnan ang sarili mo sa pagsusunod sa Kalooban ng Ama, ano ang napapala mo? Wala!”
At sinabi ko sa demonyo, sa bawat hakbang, “Ang aking puso ay buo na, ang aking isip ay nakapagpasya na. Hindi mo ako mahikayat na bumalik. Kung mamatay man ako dito, mamamatay ako. Ngunit, mamamatay akong sumusunod sa Kalooban ng Ama kahit anuman ang mangyayari.”
Kung kaya, humalili ako sa lugar ng aking mga unang magulang na si Adan. Sa kamusmusan, hindi ako nahulog kung saan siya nahulog. Nagpapatuloy ako kasama ng aking maliit na kaalaman at sa aking kamusmusan patungkol sa Kalooban ng Ama, at sasabihin ko, “Ang Ama ang tumawag sa akin. Hindi ko kailangang unawain ang lahat ng bagay, Ama, ngunit susunod ako sa inyo.” Pagkatapos dinagdagan niya ng kaalaman sa kaalaman, pagkaunawa sa pagkaunawa sa Salita ng Dakilang Ama, hanggang matapos ang aking daan sa Tamayong, hanggang sa lahat ay naitatag sa Anak at hanggang sa paglago sa espiritu ay dumating. Pagkatapos naging kuwalipikado ako, hindi bilang isang alila, kundi bilang Anak, ang inangking anak. Dahil pinili ko na sumunod sa Kanya sa lahat ng daan. Ito ang aking pagpili.
(itutuloy…)