PINAS

Angelica, nangako na mamahalin ang kanyang sarili

Ni: Eyesha N. Endar

SA birthday message ni Angelica Panganiban sa kanyang kaarawan, nangako siyang mamahalin ang kanyang sarili higit kaninuman.

Ipinahiwatig ng magandang aktres na marami siyang na-realized sa lahat ng kanyang mga napagdaanan sa buhay.

Sinabi ng aktres na masarap ang maging malaya at unahin ang sarili. Maging madamot sa pagmamahal para lang muna sa sarili at hindi para sa iba.

Ang pinakamagandang regalo umano ay ang mahalin ang sarili at ang mga taong nagmamahal sa iyo sa kung sino at kung ano ka?