• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Monday - February 18, 2019

PINAS

Ang Bagong May-ari ng Mundo (Ikatlong Bahagi)

Sonspeak

Recent News:

  • Pag-iimpok ay paglago ng ekonomiya
  • Ang Bagong May-ari ng Mundo (Ikatlong Bahagi)
  • Ms. Universe 2018 Catriona Gray, dumalo sa NFL honors
  • Mga atleta ng Pilipinas, naghahanda na para sa 2019 Southeast Asian Games
  • Build, Build, Build Program, naantala dahil sa kakulangan ng trabahante ayon kay Pang. Duterte
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Internasyonal
  • Probinsyal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • Buhay
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • OFW
  • Opinyon
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

Buhay Home School

November 3, 2017 by Pinas News


Abala ang mga magulang sa libreng exhibit ng Philippine Homeschool Conference 2017 habang naghahanap ng mga teaching materials na makakatulong sa homeschool ng kanilang mga anak. 

Ni: Edel S. Alvarez

MAARING di na bago sa pandinig ng marami ang “homeschool.” Sa literal na kahulugan, ito ay pagpili na turuan ng mga magulang ang mga anak sa loob ng kani-kanilang mga tahanan sa halip na pag-aralin sa mga eskwelahan.

Nito lamang ika-7 ng Oktubre, idinaos ang Philippine Homeschool Conference na may temang: Homeschool to the Future – Educating for the World of Tomorrow. Ang taunang conference na naglalayong ipunin ang mga magulang na nais o kasalukuyang nagho-homeschool ng kanilang mga anak. Nanggaling sa iba’t ibang panig ng bansa ang mga lumahok sa naturang conference. Isang libreng exhibit kung saan may iba’t ibang libagan ng mga libro at marami pang mga modernong kagamitan ang maaaring makatulong sa pagtuturo sa mga bata.

Mahalagang bahagi ng pagiging mga magulang

Naging pangunahing tagapagsalita si Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan at hinikayat ang mga magulang na muling ibalik sa basic ang parenting sa kabila ng technological age na ginagalawan ng mga kabataan sa ngayon. Mapapansin na dala ng teknolohiya, marami sa mga magulang at kabataan ang tila nalimot na ang kahalagahan ng pakikipagusap at pakikipaglaro na di kinakailangan ng gadget o kompyuter. Ang mensahe ni Sen. Pangilinan ay nagsilbing akmang paalala na ibalik ang paggamit ng imahinasyon sa pakikipaglaro at ang personal na komunikasyon na maaaring maging daan upang makapagturo ng tamang kaugalian sa ating mga anak.

Isa rin sa mga pangunahing tagapagsalita ay ang kilalang education advocate at tinanghal na 2009 CNN Hero of the Year, Efren Peñaflorida. Naging paksa niya ang “Unconventional Education: Empowering the Youth for the Future.” Ipinakita ni Peñaflorida ang kahalagahan ng tiwala sa sarili, buong pusong paggawa sa trabaho, paninindigan sa katotohanan at matalas na pagiisip para mapalago ang sarili.

Tamang kaugalian at malalim na relasyon

Maraming puso ang naantig sa naging mensahe ng ikatlong tagapagsalita na si Marissa Leinart na kilala bilang isang Emmy Award-Winning Broadcaster at miyembro ng Great Homeschool Conventions Speaker, nang isalaysay niya ang naging mahirap ngunit makulay na transisyon ng kanyang buhay mula sa pagiging tanyag na brodkaster tungo sa pagiging stay-at-home mom at magdesisyon na siyang magturo sa pamamagitan ng homeschool sa kanyang mga anak.

Ibinahagi niya ang mahalagang gampanin ng mga magulang sa paghubog ng karakter ng mga bata.

“Madali nang ituro ang akademika kung tama ang karakter na nahubog natin sa ating mga anak, lalo na sa kanilang mga growing-up years,” ani Leinart.

Binigyang halaga din ng dating broadkaster ang pagkakaroon ng maayos na relasyon sa mga anak habang sila ay lumalaki.

“This is one of the privileges na naibibigay ng homeschool sa mga magulang – na makilala natin ng husto at magkaroon ng mas malalim na relasyon sa ating mga anak,” paliwanag pa niya.

Hinikayat din ni Leinart na ipagpatuloy ang edukasyon matapos ang panahon na naka-homeschool ang mga bata. Mariin din niyang ipinaalala na ang pagmamahal at suporta para sa isang anak ay walang pagmumulan kung di ang mga magulang.

Walang takot

Nagkaroon din ng mga breakout sessions ang conference. Nakapamili ang mga magulang ng mga sessions na naaakma sa kanilang mga pangangailangan.

Isa sa mga ito ang pinamagatang, “Homeschool through High School without Fear” kung saan sinagot ang katanungang kung paano binabalanse ang fun at disiplina na parehong mahalagang parte ng homeschool. Ayon kay Racquel Guevara, isa sa mga tagapagsalita, na kailangan munang tanggapin na hindi lahat ng plinanong gawain sa isang araw ay magagawa. Kailangang maging flexible at maghanap ng mga pamamaraan kung paano magkakaroon ng “fun” ang homeschool dahil kapag may “fun” ang homeschool, mas madaling ituro ang academics sa mga bata.

At para naman sa mga magulang na nagsisimula pa lamang sa homeschool, sinabi ni Mariz Dearos, Breakout Session Speaker at advocate ng Child-led Learning na importanteng malaman kung ano ang learning style ng anak at laliman ang kaalaman tungkol sa multiple intelligence.

Isang malaking desisyon para sa buong pamilya ang pagpili sa homeschool. Kinakailangan dito ang matatag na paninindigan at lakas ng loob. Hindi biro ang panahon na kailangang igugol sa pagtuturo ng tamang kaugalian, academics at pagpapalalim ng relasyon sa pagitan ng magulang at anak. Subalit iba rin ang dalang biyaya na makita na mayroong magandang dulot ito sa ating mga anak at sa buong pamilya. Di man masasabing ang homeschool ay epektibo para sa lahat bilang pamamaraan sa pagbibigay ng edukasyon, nakatutuwang isipin na unti-unti ay natatanggap na itong alternatibo na may dalang positibong epekto sa kabataan at pamilyang Pilipino.

Pinagunahan ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan bilang isa mga Keynote Speaker ang Philippine Homeschool Conference 2017 na may temang, “Homeschool to the Future – Educating for the World of Tomorrow.” 

 

Isa si Efren Peñaflorida, 2009 CNN Hero of the Year sa mga Keynote Speaker ng Philippine Homeschool Conference 2017 na may temang “Homeschool to the Future – Educating for the World of Tomorrow.” 

 

Isa si Marissa Leinart, kilalang Emmy Award-Winning Broadcaster, sa mga Keynote Speaker ng Philippine Homeschool Conference 2017  na may temang “Homeschool to the Future – Educating for the World of Tomorrow.” 

Related posts:

  • BENEPISYONG TAGLAY NG KASOY
  • Ano ang ‘Conjunctivitis’?
  • A TREK THROUGH THE MOUNTAINS
  • Do-it-yourself hair wax
  • Mga sikreto para magmukhang bata: Men’s Edition

Buhay Slider Ticker Edel S. Alvarez Educating for the World of Tomorrow Efren Peñaflorida Francis ‘Kiko’ Pangilinan Homeschool to the Future Marissa Leinart Mariz Dearos

Reader Interactions

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2019 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.